Saturday, January 4, 2014

Jennifer Aniston, parang wala nang bukas kung magpaganda

INIULAT na gumagastos si Jennifer Aniston ng £12,000 (P882,379.53) kada buwan sa kanyang beauty regimen.


Sinasabing ang bituin ng Friends ay gumagastos ng malaking bahagi ng kanyang kinikita para mapanatili ang kanyang youthful looks, kabilang ang £3,000 (P220,645.02) sa skincare at £1,200 (P88,258.01) sa laser treatments.



Sinabi ng isang source sa MailOnline: ‘’She takes looking and feeling her best very seriousl… Make no mistake, it takes a lot of money and effort to look as good as she does at 44.’’


Isa sa most unusual extravagances ni Jennifer ang paggastos ng £200 (P14,708.56) sa Euoko neck cream kada buwan, na diumano’y gawa sa mga crystal mula sa Mars.


Regular din siyang bumibisita sa Mila Moursi Skincare Institute sa Los Angeles, para sa stress therapy massages at full-body skincare appointments, ulat ng website. Ang treatments ay nagkakahalaga ng £150(P 1,031.42) hanggang £1,200 (P88,258.01).


Ang iba ang gastos niya ay kinabibilangan ng personal trainer fees, na nagkakahalaga ng £2,400 (P176,521.27) kada buwan.


Ang aktres ay sinasabing gumagastos din ng £565 (P41,556.05) sa haircut at £125 (P9,193.41) sa spray tans – ngunit paborito rin ang Neutrogena’s Facial Cleansing Bar, na nagkakahalaga lamang ng £3 (P220.642).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jennifer Aniston, parang wala nang bukas kung magpaganda


No comments:

Post a Comment