Thursday, January 2, 2014

Holdaper patay, 2 pa sugatan shootout sa Maynila

PATAY ang isang holdaper habang sugatan ang dalawa pa niyang kasamahan sa naganap na barilan sa underpass sa Intramuros, malapit sa Manila City Hall, ngayon lamang.


Kinilala ang napatay na si alyas Inchong, habang agad namang dinala sa pagamutan ang dalawa pang sugatan na kinilala rin sa mga alyas na Macky at Pepe.


Ayon sa panayam sa radyo ng isang kapitana na kinilalang si Gladys de Jesus, ang nasabing mga nabaril ay kilalang mga holdaper sa lugar, partikular na nambibiktima sa nabanggit na underpass.


Sa inisyal na imbestigasyon, tangkang mangbiktima ang mga nabaril pero naagapan nang may makapagtimbre sa mga pulis na nakaposte sa lugar.


Nakuha sa lugar ng insidente ang 11 empty shell ng kalibre .45.


The post Holdaper patay, 2 pa sugatan shootout sa Maynila appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Holdaper patay, 2 pa sugatan shootout sa Maynila


No comments:

Post a Comment