Enero 1, 1610 natuklasan ng German astronomer na si Simon Marius ang apat na pinakamalalaking buwan sa Jupiter, na nadiskubre niya bago pa ang Italian na si Galileo Galilei. Nagbunsod ito ng tensiyon kina Marius at Galilei, ngunit pinatunayan ng Italian sa Aleman na halos sabay lang nilang ginawa ang nasabing pag-aaral. Ngunit dahil hindi inilathala ni Marius ang kanyang tuklas, inangkin ni Galilei ang lahat ng pagkilala.
Sinuportahan ng pagaaral ni Galilei ang ideya ng sistemang Tychonic (na ang Earth ang sentro ng universe), ngunit kalaunan ay sumuporta sa Copernican system (na ang Araw ang sentro ng kalawakan).
Ang apat na naglalakihang buwan ng Jupiter ay ang Io, Europa, Ganymede, at Callisto (ang “lovers of Jupiter,” ayon sa mitolohiya), na pawang pinangalanan ni Marius batay sa mga ideya ni Johannes Kepler.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment