Thursday, January 23, 2014

Empleyado ng Vale City Hall, patay sa kapitbahay

TODAS ang isang empleyado ng City Hall ng Valenzuela matapos pasukin at pagbabarilin ng kanyang kapitbahay kagabi, Enero 22.


Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Nixon Lagutao, 40, ng Northville, Bignay.


Pinaghahanap naman ng mga pulis si Nicart Quilicol, 43, kapitbahay ng biktima.


Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, papatulog na ang biktima at ka-live-in na si Jasmine Catamora sa kanilang kuwarto nang dumating ang suspek at nagsisigaw sa tapat ng bahay ng una at pinalalabas ang nasawi.


Inutusan ng biktima si Catamora na sabihin sa suspek na natutulog na ang una subalit biglang pumasok si Quilicol at nang makita si Lagutao ay pinagbabaril.


Matapos ang insidente ay umuwi ang suspek bago tumakas sakay ng motorsiklo habang dinala naman ang biktima sa VGH.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Empleyado ng Vale City Hall, patay sa kapitbahay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Empleyado ng Vale City Hall, patay sa kapitbahay


No comments:

Post a Comment