Ang mga pampublikong paaralan sa mga lalawigan ay nilalaanan ng mga high-tech na kasangkapan sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Computerization Program, na isa sa pinagsusumikapang i-upgrade ang edukasyon ng Pilipinas. Namamahagi ang programa ng mga kasangkapan para sa pag-aaral tulad ng computer packages sa mga paaralang pampubliko at pribado. Layunin ng DepEd na magkaloob ng compter packages sa lahat ng pampublikong high school sa buong bansa ngayong taon.
Sa ngayon, mahigit 88% ng mga high school at 51% ng elementary school ang mayroon nang computer na laan ng programa. Pinababa nito ang computer backlog sa mga pampublikong paaralan, nagkaloob ng mga laptop sa mga mobile teacher at pinaangat ang kaalaman sa information and communication technology sa mga mag-aaral at guro, sa pamamagitan ng pakikipag-agapayan sa pribadong sektor.
Sa Negros Occidental, sa ilaim ng $100,000-project ng DepEd at ng pribadong sektor, 13 public elementry school ang makakukuha ng 13 Promethian intercative whiteboard, habang pitong public high school sa Victorias City ang magkakaroon ng 200 desktop computer. Lumagda ang DepEd ng isang kasunduan sa Betty Bantug Benitez Foundation bilang project implementor at sa global gaming software developer Paytech para sa pondo, upang magamit nang mahusay ang mga interactive whiteboard, at iba pang high-tech gadgets sa edukasyon. Maaaring ikonekta ang whiteboard sa Internet at may touch-screen capabilities. Magtatayo rin ang Playtech ng isang computer laboratory para sa mga mag-aaral sa Negros.
Tumatanggap ang DepEd ng mga papuri sa paggamit ng teknolohiya sa teaching-learning system. Makikita sa mga ulat ang magandang performance ng mga mag-aaral sa National Achievement Test sa larangan ng English, Mathematics, Science, at Filipino. Naging mans kapana-panabik at mapaghamon ang Science classes.
Binabati natin ang Department of Education sa pangunguna ni Secretary Bro. Armin A. Luistro, at sina Bureau of Secondary Education Director Lolita M. Andrada, Bureau off Elementary Education Director Angelita M. Esdicul, 3rd District Negros Occidental Rep. Alfredo B. Benitez, at Playtech Chief Executive Officer Moran Weizer, sa kanilang pagsisikap na isama ang mas mainam na information and communicatin technology sa curriculum pati na rin ang pagpapatupad ng kaugnay nitong pagsasanay para sa mga guro sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment