Friday, January 17, 2014

Cristine Reyes, ‘di napapansin sa ‘Honesto’

Cristine Reyes


HINDI pinag-uusapan at hindi masyadong nararamdaman ang papel ni Cristine Reyes sa Honesto dahil suporta lang siya at pilit na ipina-partner sa kanya si Paulo Avelino na hindi naman bagay.


Natutukan namin ang Honesto kamakailan at napanood na pikit-matang nagtitiis at patuloy na nagsasakripisyo para sa kanyang minamahal ang karakter ni Cristine. Para sa kapanatagan ng loob ni Diego (Paulo), nagdesisyon si Marie (Cristine) na kalimutan muna ang sariling kaligayahan at tumulong sa paghahanap kay Fina (Maricar Reyes).



Pinili rin niyang manatili sa mansiyon ng pamilya Layer upang samahan si Diego na pigilan ang lumalalang kasakiman ng ama nitong si Hugo (Joel Torre).


Makikisimpatya ang viewers kay Marie, aabangan kung ano ang gagawin niya kapag natuklasan niya na matagal nang pumanaw si Fina at si Honesto (Raikko Mateo) ay anak ni Diego.


Paano mababago ng isang masaklap na pangyayari ang buhay ni Honesto at ng mga taong nakapaligid sa kanya? –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cristine Reyes, ‘di napapansin sa ‘Honesto’


No comments:

Post a Comment