SAN ANDRES, Quezon – Pinaniniwalaang hinalay muna bago pinaslang ang isang siyam na taong gulang na babae na ang bangkay ay natagpuan 11 oras bago salubungin ang Bagong Taon sa baying ito sa Quezon.
Hindi muna binanggit ang lugar at pangalan ng biktima upang pangalagaan ang kapakanan ng kanyang pamilya.
Base sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 ng hapon noong Disyembre 31 nang tumanggap ng ulat ang pulisya mula sa isang barangay kagawad kaugnay ng pagkakatagpo sa bangkay ng bata.
Base sa medical examination, nabatid na basag ang bungo ng bata na naging dahilan upang magkaroon siya ng brain hemorrhage, bukod pa sa dumudugo ang ari ng bata. – Danny J. Estacio
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment