HOUSTON (Reuters)— Naospital si dating first lady Barbara Bush sa Houston para lunasan ang maagang sintomas ng “respiratory-related issue,” sinabi ng opisina ng kanyang asawa noong Martes.
Si Bush, 88, isa sa dalawang natatanging babae na kapwa asawa at ina ng mga pangulo ng U.S., ay ipinasok noong Lunes sa Methodist Hospital sa Texas Medical Center ng Houston, saad sa pahayag.
“She is in great spirits, has already received visits from her husband and family, and is receiving fantastic care,” sabi ng opisina ni dating President George H.W. Sinabi ni Bush sa written statement na “Updates will be issued when warranted.”
Si Barbara Bush ay asawa ni George H.W. Bush, ang ika-41 pangulo, at ina naman ni George W. Bush, ang ika-43 pangulo na Amerika.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment