Thursday, January 2, 2014

Andrada Cup, papalo sa Enero 6

Agad aarangkada upang pasimulan ang palakasan ng bansa ngayong 2014 ang ika-25 taon ng Andrada Cup na isang Division 1 Junior Tennis Championships simula Enero 6 hanggang 12 sa Rizal Memorial Tennis Center.



Magsasagupa ang mga papaangat na batang tennis player edad 18-anyos pababa para sa importanteng ranking poinst sa kompetisyong pinasimulan ni dating Philippine Lawn Tennis Association (Philta) president at ngayon ay commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) Salvador “Buddy” Andrada noong 1989.


Nangunguna sa torneo, na ipinagdiriwang ang silver anniversary, sina Eric Olivarez, Andrew Cano, Marcin Gonzales, Emmanuel Bacalaris, Jerome Romualdez at Stephan Suarez sa kalalakihan habang sina Mika Tampoco, Kim Iglupas, Katrina Orteza, Erika Manduriao, Mary Balce at Dominique Ong sa kababaihan.


Itinakda ang isang makulay ng opening ceremony tampok ang pagparada ng mga dating Andrada Cup champions.


“Lahat halos ng mga magagaling na tennis players ng bansa ay nakapaglaro sa Andrada Cup at ipakikilala natin silang muli,” sabi ng 76-anyos na sports official.


Ang dating Parañaque Congressman na ngayon ay Mayor at Philta president na si Edwin Olivarez ay dadalo rin sa seremonya kasama sina PSC chairman Ricardo Garcia at Philta sec-gen Romeo Magat.


Mamimigay din ng t-shirts at mugs sa mga bisita at kasaling manlalaro si Andrada sa pagbubukas ng kompetisyon.


Hindi lamang sa Pilipinas kinikilala ang mga naiambag ni Andrada sa tennis dahil nanilbihan na rin siya bilang pangulo ng Asian Tennis Federation (ATF) at ginawaran ng honorary lifetime president ng asosasyon. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Andrada Cup, papalo sa Enero 6


No comments:

Post a Comment