Enero 18, 1915 nang ipinakita ng Japan sa China ang 21 Demands nito, sa tangkang maging mas mataas sa huli. Nag-demand ang Japan ng agarang solusyon sa banta ng digmaan. Sinamantala ang pagiging allied power, binalak ng Japan na maging regional power.
Sa bisa ng kasunduan, pinagbawalan ang China na upahan ang anumang bahagi ng teritoryo nito o isla sa alinmang bansa, pinahintulutan ang mga Japanese na magtayo ng mga gusali sa South Manchuria at Eastern Inner Mongolia, nagkaloob ng dagdag na karapatan sa mga kapitalistang Japanese, at marami pang iba.
Mayo 8, 1915 nang atubiling pumayag ang China sa nasabing mga kahilingan sa ngalan ng kapayapaan. Gayunman, hindi pinagtibay ng Chinese legislature ang mga kasunduan sa Japan. Ang Conference of 1921-1922 ang naging daan upang iurong ng Japan ang tropa nito at ibigay ang soberanya sa China.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment