Friday, January 17, 2014

1 milyong job opening sa Gitnang Silangan – DoLE

Ni Samuel P. Medenilla


Mananatiling pangunahing destinasyon ang mga bansa sa Gitnang Silangan para sa mga overseas Filipino worker ngayong 2014, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE).


Base sa employment projection report ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sinabi ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz na sa Qatar lamang, aabot sa isang milyong trabaho ang naghihintay para sa mga foreign worker dahil dito idaraos ang FIFA World Cup sa 2022.



Karamihan ng trabaho ay may kinalaman sa construction industry, hotel at health care sector sa Qatar.


Naniniwala rin si Baldoz na maging ang Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE) ay maglilikha ng libu-libong karagdagang trabaho dahil sa malawakang konstruksiyon ng mga imprastraktura sa bansa sa mga susunod na taon.


Ang tatlong bansa sa Middle East ay palaging kabilang sa top 10 destination countries para sa mga OFW simula pa noong 2008.


Samantala, nangangailangan din ng Israel at Iraq ng karagdagang medical practitioner dahil sa lumolobong bilang ng aging population at lumalaking pangangailangang medical.


“Kailangan ng health sector sa Iraq ng 7,000 nurse while ang mga government hospital sa Kurdistan ay nangangailang din ng mga nurse at doktor sa 2014,” ayon pa kay Baldoz.


Sinabi pa ng POEA na lumalaki ang demand para sa mga overseas worker sa ibang bansa sa Asia tulad ng Indonesia, Brunei, Vietnam, Macau, South Korea at Japan tulad ng mga teacher at nurse.


Ang China ay naghahanap naman ng karagdagang teacher, information technology worker, designer, architect, engineer, entertainer at hotel-restaurant staff.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1 milyong job opening sa Gitnang Silangan – DoLE


No comments:

Post a Comment