Monday, September 30, 2013

AVESCO-Philippine team, overall champ

Binitbit nina Mark Anthony Castaneda at Jamyla Lambunao ang Team Philippines tungo sa overall crown sa 1st Hong Kong Open Memory Championship na isinagawa sa True Light Girls College sa Kowloon, Hong Kong.


Si Castaneda, unang Pilipino na naabot ang Grandmaster of Memory (GMM) status sa nauusong mind sport, ang nanguna sa Adult division habang si Lambunao, Grade 7 student sa St. Scholastica’s Academy Marikina, ang nag-uwi ng titulo sa Kids division.



Una munang naiwan sa ikatlong puwesto si Castaneda matapos ang limang event noong Sabado bago ito umatake noong Linggo para tumapos na may 5,239 puntos at ungusan ang dating lider at kababayan nito na si GMM Erwin Balines na nagkasya lamang sa 5,212 puntos.


Isa pang Pilipino na si Johann Randall Abrina ang nasa ikapito noong Sabado bago umangat sa ikatlong puwesto sa pagtatapos ng torneo sa natipong 4,747 puntos.


Dinomina naman ng 12-anyos na si Lambunao ang Kids division na kung matatandaan ay pumangalawa noong 2012 sa World Memory Championship sa London.


Ang Team Philippines, sinuportahan ng AVESCO, ay nagtipon ng kabuuang 15,198 puntos upang tanghalin ding overall team champion kung saan ay kinubra nila ang premyong HK$10,000.


Ang Mongolia, namayagpag sa Juniors division, ay tumapos na second overall sa naitalang 14,369 kasunod ang host Hong Kong (10,601).


“The competition here was very tough, especially the Mongolians who sent a strong team,” sinabi ni Roberto Racasa, coach at head ng delegation ng AVESCO-Philippine team. “Now we are going to prepare for the World Memory Championship in London in November.”


Ang iba pang miyembro ng AVESCO-Philippine team na inorganisa ng Philippine Mind Sports Association, ay si Kian Christopher Aquino, Abbygale Monderin, Bryan Robert Yee, Anne Bernadette Bonita, Axylancy Cowan Tabernilla, Ydda Graceille Mae Habab at Rhojani Joy Nasiad.


Tumulong din sa koponan ang Dreamhauz Management & Development Corporation, Mandaluyong Mayor Benhur Abalos at Senator Sonny Angara.


Ang Hong Kong Open Memory Championship ay sanctioned ng World Memory Sports Council at binuo ng Hong Kong Memory Sports Council. Sinusunod nila ang WMSC standard of competition na binubuo ng Names and Faces (5 minutes), Binary Numbers (5 minutes), Random Numbers (15 minutes), Abstract Images (15 minutes), Speed Numbers (5 minutes), Historic/Future Dates (5 minutes), Playing Cards (10 minutes), Random Words (5 minutes), Spoken Numbers (100 seconds & 300 seconds) at Speed Cards.


Kasali din sa torneo ang memory athletes mula sa Canada, Vietnam, Singapore, Malaysia, Indonesia, China, India at Japan. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AVESCO-Philippine team, overall champ


Healthy lifestyle, pangontra sa obesity

Isinusulong ang pagtatatag ng isang tanggapang nagtataguyod ng healthy lifestyle upang matugunan ang lahat ng problemang pangkalusugan, gaya ng pagdami ng matataba sa bansa.



Sinabi ni Davao del Norte 1st District Rep. Anthony G. del Rosario na ang itatayong Healthy Lifestyle Office, alinsunod sa House Bill No. 69, ay magmumulat sa lahat ng mamamayan, kabilang na ang mga empleado, sa iba’t ibang seryosong panganib sa kalusugan.


“The rise in obesity and weight-related problems accompanied by the resulting incidence of chronic diseases has created a crisis that burdens the health care infrastructure of our country,” ani Del Rosario.


Ayon sa mambabatas, kailangan ang pagtatayo ng isang Healthy Lifestyle Office upang makapagplano, makapag-develop at makapagpatupad ng pambansang programa na magsusulong at susuporta sa mga aktibidad upang mapagtuunan ng pansin ng mga Pinoy ang kahalagahan ng malusog na katawan.


Batay sa record ng World Health Organization (WHO), masyado nang marami ang matatabang tao sa mundo, kaya naman may 2.8 milyon ang namamatay bawat taon dahil sa obesity. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Healthy lifestyle, pangontra sa obesity


Coach Aric del Rosario, hanga sa lakas ng Tigers

Ni Marivic Awitan


Kung mayroon mang isang tao na malaki ang pananampalataya na makakayang magkampeon ngayong taon ng University of Santo Tomas sa ginaganap na UAAP Season 76 men’s basketball tournament, ito’y walang iba kundi ang dating head coach ng Tigers na si Aric del Rosario.



Nagpahayag ang ngayo’y head coach ng University of Perpetual Help Altas sa NCAA ng kanyang paniniwala na kaya ng Tigers, sa ilalim ng kasalukuyan nitong coach na si Pido Jarencio, ang muling bigyan ang UST ng panibagong men’s basketball title.


“Kaya! Maganda kasi `yung (pag-handle) ni Pido sa mga player,” pahayag ni Del Rosario na nagbigay pa ng payo na kailangan ng Tigers na panatilihin ang kanilang matinding depensa na siyang naging dahilan upang maunsiyami ang top seed National University na makapasok sa kampeonato.


“Sinasabi ko sa nga sa kanila na hindi ka dirty player, pero kailangan ng konting pisikal, konting gulang, konting siko. Pero ‘wag ka mananakit,” ayon pa kay Del Rosario.


Sariwa pa sa isipan ni Del Rosario ang huling pagtatapat ng UST at ng La Salle sa UAAP finals noong 1999 kung saan siya pa noon ang mentor ng Tigers.


Kasunod ito ng apat na sunod na kampeonato ng Tigers, kabilang na ang makasaysayang sweep noong 1993, kung saan ay sinundan ito ng tatlong sunod na paggapi nila sa Green Archers sa finals mula 1994 hanggang 1996.


Nakauna pa noon ang Tigers sa Game One ng kanilang best-of-3 series sa pamamagitan ng game winning basket ni point guard Angelo Velasco.


Ngunit ang asam na makaapat na sunod kontra sa La Salle ay hindi natupad dahil winalis ng La Salle, sa pangunguna nina Don Allado at Dino Aldeguer, ang sumunod na dalawang laro.


Ngayon, makalipas ng labing-apat na taon, malaki ang pananalig ni Del Rosario na makakayang bumawi ng Tigers.


“Iba na ang nilalaro ng UST ngayon. Kaya siguradong mag-iisip pa rin iyan (La Salle) at mauungkat ‘yung nakaraan,” pagtatapos ni Del Rosario. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coach Aric del Rosario, hanga sa lakas ng Tigers


Air strike tumama sa eskuwelahan

BEIRUT (Reuters)– Labintatlo ang nasawi sa air strike na tumama sa isang secondary school sa lungsod ng Raqqa noong Linggo, sinabi ng mga aktibista.



Ang Raqqa sa hilagang silangan ng Syria ay nasa ilalim ng kontrol ng mga rebeldeng nais patalsikin si President Bashar al-Assad.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Air strike tumama sa eskuwelahan


Megan Young, ’1st runner up’ kay Ate Vi – Sen. Ralph

Ni Leonel Abasola


“Second to Vilma”


Ito ang naging tugon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng hingan ng reaksiyon kaugnay sa pagkakapanalo ni Megan Lynne Young ng Miss World.



Sa ginawang pulong-balitaan, tinanong si Recto kung ano ang reaksiyon niya sa pagkapanalo ni Young, na unang Pilipino na nagwagi ng patimpalak.


Aniya, binabati niya si Young dahil nagkaroon ng isang magandang balita na nangyayari sa ating bansa sa gitna ng iba’t ibang negatibong isyu na gumagambala sa mga mamamayan.


“I congratulate her, the most beautiful woman, second only to Vilma,” nangiting pahayag ni Recto.


Si Vilma Santos-Recto ay ang maybahay ng mambabatas, at kasalukuyang gobernadora ng lalawigan ng Batangas.


Dinagdag pa ni Recto, na ang tagumpay ni Young, ay patunay lamang na may maraming magagandang dilag sa ating bansa.


Dumalo kahapon so Recto sa budget hearing ng National Economic Development Authority (NEDA) ang ahensiya na dati niyang pinamunuan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Megan Young, ’1st runner up’ kay Ate Vi – Sen. Ralph


Jake Cuenca, lapitin ng gulo

Jake Cuenca


SA presscon ng Maria Mercedes, mariing itinanggi ni Jake Cuenca ang balitang binugbog daw siya sa isang bar sa The Fort kamakailan.


May lumabas kasing tsismis na mula raw sa angkan ng mga kilala at maimpluwensiyang pulitiko ang nakaaway ng actor.



“Hindi ko naman itinanggi na ako ‘yung tinutukoy nila at hindi ko rin naman itinangging nagpupunta ako sa bar na ‘yun, pero wala akong nakaaway at hindi totoong duguan akong lumabas sa lugar na ‘yun,” banggit ni Jake nang makausap namin.


Dagdag pa ng actor, may isang lalaki na basta na lang bumangga sa kanya at hindi raw niya napansin kung lasing. Pero hindi naman daw sila nagkaroon man lang ng sagutan o away.


Aminado si Jake na lapitin siya ng gulo, at minsan na siyang nasangkot sa away, pero ikinalulungkot niya na laging lumalabas na masama siya at napagbintangang troublemaker.


“Ang hirap kasi sa kalagayan ko, eh. Ako na nga ang umiiwas para hindi mauwi sa talagang away, eh, ako pa rin ang masama. At ang ending, eh, ako pa raw ang nauunang nanakit,” sey pa ni Jake.


Umiiwas siya sa gulo dahil ayaw niyang maeskandalo at ayaw rin niyang madamay ang mga kaibigan niya kapag lumalabas sila. –Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jake Cuenca, lapitin ng gulo


Bomba sa Pakistan, 39 nasawi

PESHAWAR, Pakistan (Reuters)— Isang bomba ang sumabog sa hilagang kanlurang lungsod ng Peshawar sa Pakistan na ikinasawi ng 39 katao at ikinasugat ng 100 noong Linggo, isang linggo matapos ang pagpasabog ng mga Taliban sa isang simbahan na ikinasawi ng mahigit 80 katao.



Naganao ang pagsabog sa labas ng isang police station sa lugar na puno ng mga tindahan at kabahayan. Wala pang umaako sa pagsabog.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bomba sa Pakistan, 39 nasawi


Minnesota, muling umusad sa finals

PHOENIX (AP)- Muling nagbalik ang Minnesota sa pamilyar na lugar- WNBA finals.


Umiskor si Maya Moore ng 27 puntos habang nagtala si Seimone Augustus 22 upang pataubin ng Lynx ang Phoenix Mercury, 72-65, upang umabante na taglay ang sweep sa best-of-three WNBA Western Conference finals.



Ito ang ikatlong sunod na season na ang Minnesota ay tumuntong sa championship round.


”It’s really fun but it’s still not the ultimate prize,” saad ni Moore, may average na 21.5 points sa playoffs. ”We definitely appreciate where we are, we’re going to enjoy it for a couple of days but it’s still the same focus, the same determination, I think even more so than year one.”


Bubuksan ng Minnesota ang finals sa Oktubre 6 sa sariling pamamahay laban sa Atlanta, kunumpleto ang pagwalis kontra sa Indiana. Ito ang sinasabing rematch sa 2011 championship kung saan ay pinulbos ng Lynx ang Atlanta sa tatlong mga laro.


Nagposte si Diana Taurasi ng 21 puntos para sa Phoenix, ngunit 6-of-21 mula sa field. Nag-ambag si Candice Dupree ng 17 puntos, habang si No. 1 draft pick Brittney Griner ay nagkaroon lamang ng 6 puntos at 10 rebounds.


Tinalo ng Minnesota ang Phoenix, 85-62, sa Game 1 noong Biyernes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Minnesota, muling umusad sa finals


Royal Mint para kay George

LONDON (AP)— Ang binyag ni Prince George, ay mamarkahan ng isang set ng commemorative coins, sinabi ng Royal Mint noong Sabado. Ang anak ng The Duke at Duchess of Cambridge ay bibinyagan sa Chapel Royal sa St. James’s Palace sa Oktubre 23, halos tatlong buwan matapos siyang isilang.



Ang produksiyon ng commemorative coins, inaprubahan ni Prince William, asawang si Kate at ni Queen Elizabeth II, ay ang unang pagkakataon na isang bagong barya ang ginawa upang ipagdiwang ang royal christening sa Britain.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Royal Mint para kay George


Laman Lupa – October 1, 2013


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Laman Lupa – October 1, 2013


Rouhani, binato ng sapatos

(AFP)— Binato ng sapatos ang motorcade ni Iranian President Hassan Rouhani habang parating siya sa kanyang bahay sa magkahalong reaksiyon sa kanyang makasaysayang pagtawag sa telepono kay US President Barack Obama.


Pinuri ng mga pahayagang Iranian ang unang pakikipag-usap sa US president sa loob ng mahigit isang dekada bilang pagwawakas sa taboo.



Ngunit ang 15-minutong pakikipag-usap ni Rouhani sa lider ng bansa na itinuturing nilang “Great Satan” ay hindi kinaya ng mga hardliner.


Halos 60 ang nagtipon sa labas ng Mehrabad Airport ng Tehran noong Sabado, sumigaw ng “Death to America” at “Death to Israel” habang dumaraan ang kanyang motorcade. Ngunit nasapawan sila ng 200 hanggang 300 tagasuporta ng presidente na sumigaw naman ng “Thank you Rouhani.”


Binato ng sapatos si Rouhani habang nakatayo sa kanyang sasakyan para batiin ang mamamayan. Masuwerteng hindi siya tinamaan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rouhani, binato ng sapatos


Raonic, kampeon sa Thailand Open

BANGKOK (AP)- Na-upset ni Milos Raonic si top-seeded Tomas Berdych, 7-6 (4), 6-3, upang kamkamin ang kanyang ikalimang titulo sa Thailand Open.


Isinagawa ng Canadian ang 18 aces upang biguin si Berdych sa final sa Impact Arena kung saan ay umabot ang kanilang laro sa loob ng 1 oras at 17 minuto.



Sa doubles final, dinispatsa nina third-seeded Jamie Murray ng Great Britain at John Peers sina fourth-seeded Tomasz Bednarek at Johan Brunstrom, 6-3, 3-6, 10-6.


Ito ang ikalimang panalo ni Raonic sa tour, idinagdag nito ang tatlo sa San Jose mula noong 2011-13 at Chennai noong 2012. Napatatag rin nito ang kanyang unbeaten record laban kay Berdych sa 2-0 matapos na talunin rin ang Czech player sa Cincinnati Masters noong nakaraang taon.


May tsansa pa sana si Berdych na makahulagpos sa match na taglay ang set point at 6-5 sa unang set ngunit gumamit si Raonic ng matitinding serve upang puwersahin ang weak return bago naisakatuparang maligtasan ang laro na kaakibat ang forehand winner. Umasa rin ito sa kanyang powerful serves upang puwersahin rin ito sa tie-break, kanyang isinelyo na gamit ang isa pang napakatinding serve.


Naisakatuparan ni Raonic ang nap[akaagang break sa second game upang kunin ang 2-0 lead sa ikalawang set nang tumama sa net ng dalawang sunod na beses si Berdych. Mula sa 5-3, isinakatuparan rin ni Raonic ang isa pang ace upang itakda ang championship point bago tinikada ang nakalululang forehand winner upang kunin ang match.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Raonic, kampeon sa Thailand Open


Hatol sa kaso ni Michael Jackson, babaguhin ang entertainment business

LOS ANGELES (Reuters) — Ang wrongful death lawsuit na inihain ng pamilyang ng namayapang pop star na si Michael Jackson laban sa kanyang concert promoter ay nasa kamay na ngayon ng jury, at ang hatol nito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtransaksiyon ng entertainment industry sa pinakamalalaking bituin nito.



Ang 21-linggong paglilitis, na nagbukas ng pintuan sa pribadong buhay at mga huling araw ng King of Pop, ay lumitis sa concert promoter na AEG Live at maging sa live-performance business model ng entertainment industry, sinabi ng mga analyst.


Matapos isara ang argumento noong Huwebes, ipinatawag ng hukom ang jury para sa diskusyon at hatol na inaasahang ilalabas ngayong linggo. Ipinahiwatig ng pamilya Jackson sa mga dokumento sa korte na ang mga dokumento ay maaaring lumagpas sa $1 billion.


“If AEG is found liable, that puts these companies on the line for millions and billions of dollars, and it is already causing the industry to rethink how the structure is set up,” sabi ni Jo Piazza, may-akda ng Celebrity, Inc. at isang celebrity branding consultant.


Sa kasalukuyan, ang entertainment producers ay karaniwang nagbabayad ng up-front sums na inaabot ng milyun-milyong dolyar sa performers kapalit ng pagkakaroon ng mas malawak na kontrol sa ilan sa mga gawain ng performers.


Nakasaad sa lawsuit na ang “AEG came to control much of Jackson’s life. The home Jackson lived in was provided by AEG; his finances were dependent on AEG, and his assets stood security if he failed to perform.”


Ang verdict “could have a chilling effect on how much micro-management of a star’s life companies like AEG and other production companies have,” sabi ni Piazza.


“But the reason the micro-management even exists is to make sure that the celebrities, the talent, is in the best position possible to make money for the production company,” dagdag niya.


Ang uri ng pagkokontrol na ito ang sentro ng wrongful death lawsuit na inihain ng ina ni Michael na si Katherine Jackson, at ng kanyang tatlog anak.


PROFITS AND RISKS

Sa reklamo, sinabi ng pamilya ni Michaek na ang AEG Live, isa sa world’s top concert promoters, at naging pabaya sa pagkuha sa cardiologist na si Conrad Murray bilang personal physician ni Michael at binalewala ang mga senyales ng mahinang kalusugan ng singer.


Namatay ang Thriller singer noong 2009 sa Los Angeles sa edad na 50 sanhi ng overdose sa surgical anesthetic na propofol.


Ikinatwiran ng AEG Live na si Michael ay lulong na sa prescription drug at ilang taon nang sugapa bago pumasok sa anumang kasunduan sa kumpanya. Sinabi rin nitong hindi nito kinuha o sinubaybayan si Murray at hindi naisip na ang doktor ay magiging mapanganib para sa singer.


“They (AEG Live) chose to run the risk and make a huge profit,” sabi ng abogado ng pamilya Jackson na si Brian Panish sa closing arguments nito.


“The industry is watching and waiting and seeing very much how this plays out,” sabi ni Jody Armour, law professor sa University of Southern California na dalubhasa sa personal injury claims. “It could have a deterrent effect on corporations going forward, and how much and how aggressively they push entertainers to meet their contractual obligations.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hatol sa kaso ni Michael Jackson, babaguhin ang entertainment business


Sens. na tumanggap ng P50-M puwedeng kasuhan ng bribery

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na maaring kasuhan ng direct bri­bery ang mga senador na sinasabing tumanggap ng P .. Continue: Philstar.com (source)



Sens. na tumanggap ng P50-M puwedeng kasuhan ng bribery


2K na allowance sa mga guro, hiling

MANILA, Philippines - Nais nina A-Teacher Partylist Reps. Mariano Piamonte Jr. .. Continue: Philstar.com (source)



2K na allowance sa mga guro, hiling


Sangkot sa scam, magbago na

Pinayuhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pork barrel scam at korupsiyon na magbagong-loob na.


Ayon kay Tagle, ang nais ng Panginoon ay ang maging mapagbigay ang tao at hindi ganid o mapagkamkam.



“Kahit saan mayroong corruption, kung mapapatunayan ay dapat magbagong loob ang mga gumawa, kailangan ng Diyos na maging mapagbigay at hindi mapagkamkam,” ani Tagle, sa panayam ng Radio Veritas.


Binigyang-diin ng Cardinal na walang halaga ang pagtulong o pagbibigay sa kapwa kung hindi naaayon sa katarungan. Kailangang ibigay at itulong sa kapwa ang nararapat upang ito ay maituring na “charitable o generosity.”


“Lahat tayo ay tumatanggap ng biyaya at tulong ng Diyos, kung tayo ay tutulad sa Diyos sa kanyang pagiging mapagbigay at matulungin ay hindi naman maganda na tayo ay talagang pakabit lamang, tatanggap lamang ng tulong pero kapag oras na para magbigay hindi na magawa iyon. Ikalawa, ang pagtulong ay nagsisimula sa pagbibigay ayon sa katarungan, ibigay sa bawat tao ang nararapat kasi kung minsan hindi pa nga naibibigay ang mga dapat na maibigay ayon sa katarungan ay papaano mo maaasahan na magiging charitable o generous,” ani Tagle.


Tiniyak rin ng Cardinal na kapag nahanap at natupad ng isang tao ang demand of justice sa pagbibigay at pagtulong ay lalago ang buhay at generosity.


“Gawin muna o hanapin muna at tuparin ang mga demands of justice and then diyan mas lalago ang life and generosity,” aniya. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sangkot sa scam, magbago na


Spoelstra, ‘di pakakawalan ng Heat

MIAMI (AP)- Halos nasa dalawang dekada na si Erik Spoelstra sa Miami Heat, at ang kanilang relasyon ay ‘di pa rin magtatapos sa mga susunod na panahon.


Lumagda si Spoelstra ng multiyear extension upang manatiling coach ng two-time defending NBA champion Heat, ayon sa pahayag ng koponan kahapon ng tanghali.



Ang hakbang ay nangyari isang araw matapos na ihayag ng Heat ang ilang galaw ng front-office, kasama na ang promosyon ni Andy Elisburg bilang general manager at pagkuha kay Juwan Howard bilang assistant coach.


Isang personahe na pamilyar sa pag-uusap sa magkabilang panig, nagsalita sa kondisyon na ‘wag siyang pangalanan dahil sa hindi pa inihahayag ang deal, ang nagsabi sa The Associated Press na walang anumang intensiyon ang Heat na pakawalan si Spoelstra.


Ang coach ay may isang season pang nalalabi sa kanyang existing contract, ang deal na natupad noong 2011.


”I want Spo here for a long, long time,” pagmamalaki ni Heat President Pat Riley sa nakaraang season.


Si Spoelstra ay 260-134 sa kanyang unang limang seasons sa Miami, umentra sa playoffs sa bawat season, sa NBA finals sa bawat huling tatlo at pagwawagi ng titulo noong 2012 at 2013.


Hiniling na ang kanyang resume na sadyang kaaya-aya ay kailangan nang humantong sa Hall of Fame path.


Tanging 12 iba pang kalalakihan sa kasaysayan ng NBA ang may multiple championships bilang coach, at pito lamang ang nakakolekta ng championship rings sa back-to-back.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Spoelstra, ‘di pakakawalan ng Heat


MNLF lumpo na – Palasyo

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Palasyo na lumpo na ang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction. .. Continue: Philstar.com (source)



MNLF lumpo na – Palasyo


Nur Misuari handang arestuhin ng AFP

MANILA, Philippines - Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na arestuhin si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari kaugnay n .. Continue: Philstar.com (source)



Nur Misuari handang arestuhin ng AFP


Ombudsman kay Drilon: Bahala kang magdesisyon

MANILA, Philippines - Ipinapaubaya ni Om­budsman Conchita Carpio-Morales kay Se­nate President Franklin Drilon ang pagdedesis­yon tungkol sa pagpapadala ng s .. Continue: Philstar.com (source)



Ombudsman kay Drilon: Bahala kang magdesisyon


Rep. Barzaga tumanggap din ng dagdag na pork barrel

MANILA, Philippines - Inamin ni Dasmariñas Congressman Elpido Barzaga na nakatanggap din siya ng dagdag na P10 milyon pork barrel mula sa Malacañang. .. Continue: Philstar.com (source)



Rep. Barzaga tumanggap din ng dagdag na pork barrel


Pamamahagi ng DAP funds idinepensa

MANILA, Philippines - Todo-depensa ang Malacañang sa pamamahagi nito ng pondo mula sa Disbursement Allocation Program (DAP) sa mga mambabatas matapos na kuwe .. Continue: Philstar.com (source)



Pamamahagi ng DAP funds idinepensa


Holidays sa 2014 nilagdaan

MANILA, Philippines - Nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Proclamation 655 kung saan ay itinatakda nito ang mga regular, special non-working holida .. Continue: Philstar.com (source)



Holidays sa 2014 nilagdaan


67 bagong law enforcers dagdag sa PDEA

MANILA, Philippines - Upang madagdagan ang kakulangan sa paggawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglaban sa iligal na droga, may 67 bagong l .. Continue: Philstar.com (source)



67 bagong law enforcers dagdag sa PDEA


Miley Cyrus, gustong gumawa ng ‘history’ sa VMA performance

NEW YORK (Reuters) – Sinabi ni Miley Cyrus na nais niyang gumawa ng kasaysayan at hindi niya pinagsisisihan ang kanyang kontrobersiyal na pagtatanghal sa MTV Video Music Awards noong Agosto.


Sa dokumentaryong Miley: The Movement, na ipalalabas sa MTV sa Oktubre 2, itinampok ang 20-anyos na singer-actress bilang matalino at ambisyosong performer na determinadong gawing No. 1 ang kanyang awiting We Can’t Stop, at tuluyan nang tinalikuran ang kanyang wholesome na karakter bilang Hannah Montana sa Disney Channel.



Tinawag ni Miley na “strategic, hot mess” ang pagtatanghal niya sa VMA noong Agosto kasama si Robin Thicke.


Ang VMA show ay “meant to push the boundaries,” sabi ni Miley, idinagdag na nais niyang maging memorable ang nasabing pagtatanghal, gaya ng pakikipaghalikan ng idolo niyang si Britney Spears kay Madonna sa kaparehong award show isang dekada na ang nakalilipas.


“That’s what you’re looking to do, make history.”


Si Britney, na sisimulan ang dalawang-taon niyang stint sa Las Vegas sa December at sa Planet Hollywood Resort and Casino, at ang iba pang child star ay humarap sa mga personal na problema bago naging matagumpay sa kanilang adult careers. Ngunit para kay Miley, bahagi ito ng pagsisimula bilang bagong artist.


“I felt like I could finally be the bad bitch I really am,” sinabi ni Miley sa dokumentaryo.


Ang hitsura ngayon ni Miley — gold fingernails, maraming tattoo at maikli, platinum na buhok — ay malayung-malayo sa Miley na nakilala ng publiko nang magbida sa Hannah Montana, na napanood mula 2006 hanggang 2011.


At para bigyang-diin ang bago niyang imahe, nag-pose siya nang topless para sa cover ng October 12 issue ng Rolling Stone magazine at para sa isa sa mga cover ng album niyang Bangerz, na ire-release sa Oktubre 8. Naghubad din si Miley sa music video ng awitin niyang Wrecking Ball.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Miley Cyrus, gustong gumawa ng ‘history’ sa VMA performance


P2,000 medical allowance sa guro

Ipinanukala nina A-Teacher Party-list Reps. Mariano Piamonte Jr. at Julieta Cortuna, na pagkalooban ng P2,00 monthly medical allowance ang mga pampublikong guro sa elementary at high school level bilang dagdag na insentibo.


Sa kanilang House Bill 2407, hinihiling din na ang medical allowance na ito ay ia-adjust tuwing limang taon. Kasama sa bibigyan ng allowance ang mga guro sa alternative learning system ng Department of Education.



“Public school teachers in the countryside often brave rain or shine just to be present in their respective classes. They also have to walk mountains and hills aside from facing harsh and extreme weather conditions in their daily trip to work,” sabi ni Cortuna. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



P2,000 medical allowance sa guro


Hulascope – October 1, 2013

ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Kung suddenly nahinto ang progress ng iyong endeavor, it has something to do with your relationships. Makipag-ayos ka na para maakit ang success.


TAURUS [Apr 20 - May 20]

Huwag ka nang magmaktol kung gagawin mo rin lang ang isang task na hindi nagawa ng iyong kasama especially kung natulungan ka nito in the past.



GEMINI [May 21 - Jun 21]

Ingat kung nagmamadali ka at makaligtaan ang isang item sa iyong listahan. Be sure na hawak mo ang lahat ng iyong kailangan.


CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Huwag magtampo or magalit kapag ibinigay sa iba ang isang project na qualified kang gawin. Mapupunta rin sa iyo ito kapag pumalpak ang gawa.


LEO [Jul 23 - Aug 22]

Para kang trained dog ng isang dominant someone na kapag hinayaan mo siya, ililigaw ka niya. Once na mag-utos ang someone na ito, just play dead.


VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Abangan ang pagsulpot ng isang opportunity that will enhance your material security. Huwag itong pakawalan.


LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Kapag pinasok mo ang isang alliance of convenience na alam mong hindi ideal, gawing realistic ang iyong expectations so that you will not be disappointed.


SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Most of the time kapag dumipende ka sa someone kaysa iyong alam, you are inviting failure. Ilabas mo na lang ang iyong skills.


SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

If you see someone na nagdo-dominate ng conversation sa iyong circle, be the one na humanap ng chance to invite everybody in.


CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Maiiwasan ang frustration kung iiwan mo na ang isang negative situation. May matututuhan ka sa experience na iyon.


AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Kung feel mong nababagalan ka sa iyong napiling field of endeavor, gumawa ng hakbang to correct the situation. Mag-upgrade ng skills.


PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Iimbitahin ka ng isang friend sa isang potentially profitable endeavor. Siguro okay ito, siguro hindi; and you will not know it unless na subukan mo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hulascope – October 1, 2013


Napaslang na rebelde, ‘di si Commander Malik – PNP

Ni Aaron Recuenco


Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima na ang bangkay na natagpuan na may taglay ng identification card ni Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Ustadz Habier Malik ay hindi ang rebel leader na tinutugis ng militar.



“We found out that it’s not Malik. So right now, we are looking for him and we are trying to find out if he is among those who were killed,” said Purisima.


Si Malik, na kilalang tauhan ni MNLF founding chairman Nur Misuari, ang itinuturong namuno sa mga rebeldeng Moro nang okupahin ang Zamboanga City. Mayroon ding lumutang na impormasyon na malubhang nasugatan si Malik sa inilunsad na opensiba ng military subalit walang naipalalabas na kumpirmasyon ang awtoridad hinggil dito.


Handa rin aniya ang PNP na isalang ang bangkay ng napaslang na rebelde sa DNA test upang patunayan na hindi ito si Malik.


Samantala, nagsimula nang mag-alisan ang mga sundalo na nakatalaga sa war zone sa baybayin ng Zamboanga City upang bigyang daan ang all-out clearing operation ng pulisya laban sa natitirang puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF).


Sinabi ni Chief Insp. Ariel Huesca, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula Regional Police Office, na naatasan sila na suyurin ang lugar na inokupa ng MNLF-Misuari faction ng mahigit sa dalawang linggo.


“The police are already in charge of the clearing operations. And based on the assessment, it will take two weeks before we complete our task,” sinabi ni Huesca.


“But the soldiers were not actually pulled out of Zamboanga City, they were just assigned to help us in preventing local residents from going back to their homes,” paliwanag ni Huesca.


Bahagi ng clearing operation ay ang paghahanap sa mga hindi sumabog na bomba at booby trap na itinanim ng mga nagsitakas na MNLF rebel sa mahigit sa 100 ektaryang lugar na inokupa ng mga rebelde.


“After the clearing, we will turn over the area to the local government for the start of the rehabilitation,” sinabi Huesca.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napaslang na rebelde, ‘di si Commander Malik – PNP


Zac 8:20­23 ● Slm 87 ● Lc 9:51­56

Lumapit kay Jesus ang mga alagad at tinanong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?” Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo: hanggang hindi kayo nagbabago at nagiging tulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa kaharian ng Langit.



PAGSASADIWA

Ang nagpapakababa gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinakamalaki sa kaharian ng Langit. – Ang itinuturing na aba sa mundo ang siyang kini kilalang dakila sa Kaharian ng Diyos at ang kinikilalang dakila sa mundo ang aba naman sa pamantayan ng Diyos. Ginamit ni Jesus ang isang bata upang ilarawan sa kanyang mga alagad ang tunay na kahulugan ng kadakilaan. Ang bata sa mata ng mundo ay larawan ng kahinaan. Ginagamit ng Diyos silang itinuturing na mahina upang ibagsak ang mga malalakas. Walang ibang magagawa ang isang bata kundi ang umasa sa mga taong nakapaligid sa kanya. Maging ang buhay niya ay nakasalalay sa mga matatandang tumutulong at humuhubog sa kanya. Sa kanyang sarili, walang masyadong magagawa ang isang bata na humubog ng isang buhay na pinapangarap niya. Ayon sa marami, ang pagiging pala-asa ay isang kahinaan. Subalit sa mata ng Diyos ito ay isang daan patungo sa kabanalan at kadakilaan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Zac 8:20­23 ● Slm 87 ● Lc 9:51­56


30th of September

Tinangkang maglunsad ng kudeta sa Indonesia noong Setyembre 30, 1965 ng 30th of September Movement, ang partido komunista sa bansa. Anim na matataas na opisyal ng gobyerno ang pinatay.


Kinabukasan, nagulat ang mga Indonesian nang ideklara ng 30th of September Movement na kontrolado na nito ang buong bansa.



Sa utos ni Major General Suharto, agad na tinugis ng militar ang grupo, at isa-isang dinakip ang mga miyembro nito sa loob ng 24 oras.


Nasa 500,000 komunista ang napatay. – Mark Anthony O. Sarino/ MB Research


.. Continue: Balita.net.ph (source)



30th of September


Electrician, nagbigti

TARLAC CITY – Isang electrician ang nagbigti sa Barangay Sapang Maragul sa Tarlac City, kamakailan.


Ayon sa report ni PO2 Benedict Soluta, bago nagpulupot ng electrical cord sa leeg ay pinagte-text ni Marcel Baluyot y Lansangan, 32, ng nasabing barangay, ang kanyang mga kamag-anak at nakiusap na hanapin ang tatlong taong gulang niyang anak at ihingi ng tawad ang kanyang pagpapakamatay.



Ang tiyuhin ni Baluyot na si Fermin Lansangan, 48, ang nag-report ng insidente sa pulisya. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Electrician, nagbigti


Gapan City Police chief, sinibak

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Ilang linggo makaraang ipatawag at pinagpaliwanag ng Sangguniang Panglalawigan tungkol sa sunud-sunod na patayan sa Gapan City, hiniling ng pamahalaang lungsod na sibakin sa puwesto si Gapan City Police chief, Supt. Bernard Orig upang mapawi ang paniniwalang may “reign of terror” sa lungsod.



Opisyal na ni-relieve sa puwesto ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo O. Nieves si Orig at pinalitan ni Supt. Dionisio Ynigo. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gapan City Police chief, sinibak


MAGNILAY-NILAY

“What have I sought that I should shun? What duty have I left undone, or into what new follies run? These self-inquiries are

the road that leads to virtues and to God.” – Isaac Watts


Spoiled si Gelli sa kanyang ama. May boyfriend si Gelli, si R-jay. Isang mayaman na kaklase niya sa Business Management.


Nang araw na iyon ay nagkaisa ang magnobyo na hindi sila papasok sa tatlo nilang asignatura. Lalabas sila at ipagdiriwang ang isang taon nilang love affair.



Samantala, ang kanyang ama na si William ay hindi pumasok nang hapong iyon. Pupunta siya sa bahay ng kanyang girlfriend, si Myrna, na dati niyang kaklase sa high school. Nang magkita silang minsan ay umiiyak si Myrna. Ipinagtapat na ito’y isang dalagang-ina. Walang trabaho si Myrna kaya si William ang nagbibigay ng suporta.


Magdadalawang-taon na ang anak ni Myrna na si Chona. May nakabalot na manika si William na likurang upuan ng kanyang kotse. Ang manika ay tumatawa, kumakanta at humahakbang at nagkakahalaga ng limang libong piso. Matutuwang tiyak si Chona.


Nagmamadali si William na makarating sa apartment ni Myrna.


Samantala, nagkagulo-gulo ang traffic sa dinaraanan dahil sa isang banggaan, hanggang natanaw ni William ang kanyang anak na si Gelli na pagkasaya-saya sa loob ng isang kotse, kasama ang isang lalaking teenager. Hindi niya kilala ang lalaking iyon. Marahil ay kaklase.


Sinundan ni William ang kotse na minamaneho ng lalaking kasama ni Gelli. Mabilis na nagtungo ang kotse sa isang motel.

Sa harap ng motel ay nagover take ang kotse ni William, kaya huminto ang kotse ni R-jay. Hinatak ni William ang dalaga at isinakay sa sariling kanyang kotse, sa labis na pagkabigla ng magnobyo.


Walang kibuan ang mag-ama. Nagtaka ang ina ni Gelli kung paano nagkasabay ang mag-ama, ‘pagkat laging gabi ang uwi ng kanyang asawa.


Simula noon ay gumagawa na ng pagninilay-nilay si William. Tiyak ang kanyang pagbabago simula nang araw na iyon.


Ang mahal pala niyang anak ang magbabayad ng kanyang sala.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MAGNILAY-NILAY


8,000 bahay para sa ‘Sendong’ victims

Masayang ibinalita noong Sabado ni Vice President Jejomar C. Binay sa mga residente ng Cagayan de Oro City na naitayo na ang 8,000 bahay sa mga resettlement site para sa mga biktima ng bagyong ‘Sendong’, at mahigit 1,000 pang bahay ang itinatayo sa lungsod at sa Iligan City, sa ginanap na Housing Fair 2013.



“Tinitiyak po namin sa inyo na hindi na mauulit ang masaklap ninyong naranasan noong Disyembre 2011. Dahil ang inyo po’ng paglilipatan ay hindi binabaha, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto,” sabi ni Binay.


Una nang iginawad ni Binay ang certificates of house and lot award (CELA) sa 251 benepisyaryo sa Bayanihan Village Phase 1 sa Barangay Macapaya, Camaman-an, Cagayan de Oro City. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



8,000 bahay para sa ‘Sendong’ victims


PSC, GAB, magtatakda ng kasunduan

Hindi basta na lamang makalilipat ang amateur, partikular ang mga miyembro ng pambansang koponan, tungo sa pagiging isang propesyunal base sa pag-uusapan at inihahandang kasunduan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB).



Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na nakatakda itong makipagpulong kay GAB Chairman Juan Ramon Guanzon upang palawigin ang interes ng bansa at proteksiyon ang pambansang atleta hinggil sa paglipat mula sa pagiging amateur tungo sa pagiging propesyunal.


“Pag-uusapan namin kung paano poproteksiyunan ang mga amateur na basta na lamang aalis sa national team at lilipat sa pro na hindi muna iniisip kung ano ang kanilang babagsakan sa kanilang desisyon,” sinabi ni Garcia.


“Our concern here is all about our government’s assistance to the athletes. We are actually looking at the funds and the athlete’s future. Our government is spending a lot sa mga atleta dahil bibigyan mo ng allowance kada buwan, magte-training abroad tapos bigla na lang aalis without any notice,” giit ni Garcia.


Isa sa nais mapag-usapan ni Garcia ay ang pagbibigay ng lisensiya sa mga amateur tungo sa pagiging propesyunal.


Asam din ni Garcia sa kasunduan ang magiging polisiya sa pagitan ng PSC at GAB at ang pagpapatibay ng mga kautusan sa lehislasyon sa kongreso.


“Sana ipaalam muna sa amin ng GAB kung sino man iyong mga amateur na nasa national team na bigla na lamang aalis at lalaban para sa kanilang personal na hangarin,” saad ni Garcia.


“We want them to know that mayroon din na investment ang gobyerno sa mga amateur athletes,” sinabi pa nito.


Ipinaliwanag pa ni Garcia na kaya isinagawa ng ahensiya ang priority athlete program ay upang maging full time sa kanilang pagsasanay at ibuhos ng mga atleta ang kanilang commitment upang mapagsilbihan ang bansa na hindi nangyayari dahil sa pagtakas sa kanilang obligasyon sa pag-akyat sa propesyunal.


Ilan sa sports na apektado sa paglipat mula sa amateur tungo sa propesyunal ay ang boxing, wushu at wrestling.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PSC, GAB, magtatakda ng kasunduan


Coco at Julia, hiling pagtambalin uli

The beauty of the morning isn’t the sunrise but the thought of God giving us another day to see through life. Keep in mind that life is never without a need, never without a problem, never without a trial, never without a hurtful moment. But peaceful life is never without Christ. Good morning! And God bless. –09263049080


Life is too short to worry about stupid things. Have fun. Fall in love. Regret nothing and don’t let people bring you down. Good day po. God bless. –09464211222


Hi, magandang araw po. Puwede n’yo po bang pagtambalin uli sina Coco Martin at Julia Montes? Sobrang miss na kasi namin ang Cocojul loveteam. Please? No. 1 kasi sila dito sa Dumaguete Negros. Salamat po. –09054727966


Good evening. Puwede n’yo po bang ibalik ang tambalan nina Julia Montes at Coco Martin sa isang teleserye? –09155304088


Kabobobelz naman kung sino ang nananagot sa pagpapalabas ng mga teleserye. Bakit biglang na-cut ‘yung Got To Believe? Napakahabang commercials lang ang nangyari? Sayang ang kuryente namin! Grrr! Palpak ba? Eh, ‘kapangit naman ng sumunod na palabas, tsk. Bad trip na gabi. –09065383053 (Hmmm, mukhang timing ang ipinadala ring message sa

amin. –DMB)


Noong Biyernes, September 27, nakaranas ang ABS-CBN ng technical difficulties kaya naging paudlotudlot ang airing ng finale ng Dugong Buhay na natapos ng 5:50 PM., dahilan para hindi naipalabas ang Hiwaga at ang Korean drama na The Love Story of Kan Chi. At pagdating naman ng gabi, naputol ang airing ng Got To Believe at nangako ang ABS-CBN na ipapalabas ang buong episode sa darating na Lunes, September 30. –09068340659


Good morning DMB. Paki-post naman ang number ko. Ako nga pala si Ana ng Bulacan. –09436488512


Hi, naghahanap po ako ng boy textmate, 18-20 y/o. I’m Honey Mae from Novaliches, Quezon City. –09354638018


Hi! What’s happening to our country? Akala ko ‘yung two senators na involved sa pork barrel scam napaka-sincere sa kanilang plataporma kada election na para sila sa mahihirap. Pero kabaligtaran lang pala. Thanks. More power to you, Mr. DMB. –# withheld upon request


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coco at Julia, hiling pagtambalin uli


Bilanggo, nagdurusa sa kawalang hukom

BATAAN – Hiniling ng mga lokal na opisyal at mga mamamahayag ang pagpapabilis sa paglilitis sa kaso ng mga bilanggo na ilang taon nang nabimbin dahil sa kakulangan ng hukom at prosecutor sa Bataan.



Nais paimbestigahan ni Board Member Reynaldo Ibe, chairman ng Committee on Justice and Human Rights, ang kaso ng ilang nakapiit sa Bataan provincial jail na mahigit 10 taon nang nakakulong dahil hindi malitis ang kaso sa kawalan ng hukom at prosecutor, kaya naman maituturing nang biktima ng kawalan ng hustisya ang mga ito. – Mar T. Supnad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bilanggo, nagdurusa sa kawalang hukom


George Washington library, binuksan

ALEXANDRIA, US (AFP) – Sa wakas, may library nang nakapangalan kay George Washington, ang unang pangulo ng Amerika, mahigit 200 taon makaraang matapos ang kanyang pamumuno.


Pinasinayaan ang Fred W. Smith National Library for the Study of George Washington na malapit sa makasaysayang Mount Vernon mansion ni Washington.



Matatagpuan sa library ang 103 sa 1,200 titulong pag-aari ni Washington, bukod pa sa 2,000 nalathala sa nasabing panahon, 6,000 makasaysayang manuskrito at may 12,000 iba pang lathalain.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



George Washington library, binuksan


Minahan, inireklamo sa pang-aabuso

Nais ni House Deputy Speaker at Nueva Vizcaya Rep. Carlos Padilla na kumilos ang gobyerno laban sa tatlong kumpanya ng minahan sa kanyang lalawigan na lumabag umano sa karapatang pantao ng mga residente.



Sa kanyang privilege speech, hiniling ni Padilla ang agarang deportasyon ni Brennan Lang, general manager ng Oceana Gold, dahil umano sa mga gawain nitong nakasasama sa mga residente ng Barangay Didipio sa Kasibu, partikular ang pagpapaaresto at pagpapakulong umano nito sa magsasakang si Eduardo Licyayo na sinasabing tumanggi na ibenta ang bukid sa kumpanya.


Ipinakakansela rin ni Padilla ang exploration permit ng Royalco Resources, Ltd., at binanggit din ang pag-bulldozer umano ng FCF Minerals sa mga bahay sa Bgy. Runruno sa Quezon may ilang buwan na ang nakalilipas, na ikinasugat ng ilang residente. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Minahan, inireklamo sa pang-aabuso


Samantila, 2 pa, nakisalo sa liderato

Nauwi sa draw ang laban nina Daryl Unix Samantila ng Malabon at Carlo Caranyagan ng Rizal sa ikalimang round habang ganoon din ang naging kapalaran nina Paulo Bersamina ng Pasay City at John Fleer Donguines ng Pasig City sa 2013 National Youth Chess Championships kahapon.



Sina Samantila, Bersamina at Donguines ay nagtala ng 4.5 puntos upang okupahan ang liderato sa inorganisang National Chess Federation of the Philippines (NCF) Boys and Girls15 years-old below event na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.


Kabuuang 120 players ang sumali sa 1st NYCC standard competition na isinasagawa sa Philippine Sports Commission onference Room, Administration Bldg., Vito Cruz, Manila.


Ang 3-araw na aktibidad ay nilahukan ng mga manlalaro mula sa Cebu, Baguio, Ilocos Norte, Vigan, Candon, Tarlac,

Pangasinan, Angeles, Olongapo, Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas at Bicol region, ayon kay NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales.


“A very successful tournament indeed for this maiden competition. Introducing for the 1st time for the year 2013,” sinabi pa nito.


Nangunguna naman sina Genlaiza Pearl Bagorio (Girls 15-years-old and below), Michael Concio Jr. (Boys 9 years-old and below) at Prince Louise Oncita (Girls 9-years-old and below) sa naitalang 4 na puntos. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Samantila, 2 pa, nakisalo sa liderato


Pamamahagi ng Hacienda Luisita, sisimulan ngayon

Makalipas ang maraming taon ng pakikibaka para sa lupa, sa wakas ay ipapamahagi na ngayong Lunes sa mga benepisyaryong magsasaka ang titulo ng sakahan ng Hacienda Luisita sa Tarlac.


Inihayag ni Department of Agrarian Reform (DAR) Undersecretary for Legal Affairs Anthony Parungao na sisimulan na ngayong Lunes, Setyembre 30, ang pamamahagi ng certified true copy ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa mga benepisyaryong magsasaka sa 10 barangay ng Hacienda Luisita, at gagawin ito hanggang sa gitnang bahagi ng Oktubre.



Sinabi ni Parungao na noong Setyembre 25 ay 5,800 kuwalipikadong magsasaka ang lumagda at naghain ng aplikasyon sa Purchase and Farmers Undertaking (APFU) sa DAR at inirehistro sa Register of Deeds.


Nabatid na 296 na magsasaka ang kumuha ng Certificate Lot Allocation (LAC) at 377 pa ang lalagda at maghahain ng APFU.


Ang pamamahagi ng CLOA ay sisimulan sa Barangay Pando ngayong Lunes, kasunod sa Bgy. Motrico sa Oktubre 1, at sa Bgy. Lourdes sa Oktubre 2.


Mamamahagi rin ng titulo sa Bgy. Parang sa Oktubre 8, sa Bgy. Mabilog sa Oktubre 9 at sa Bgy. Bantog sa Oktubre 10.


Sa kasunod na linggo, ipamamahagi ng DAR ang mga CLOA sa mga barangay ng Cutcut (Oktubre 15), Asturias (Oktubre 16), Balete (Oktubre 17), at Mapalacsiao (Oktubre 18). – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamamahagi ng Hacienda Luisita, sisimulan ngayon


China Open: Nadal, binalaan ni Djokovic

Beijing (AFP)– Nagbabala ang world number one na si Novak Djokovic sa muling umaangat na si Rafael Nadala na hindi niya

pakakawalan ang top spot ng walang laban at naghahanda nang idepensa ang kanyang korona sa China Open.


Naging mainit si Nadal ngayong season, umangat sa ikatlong puwesto sa all-time list ng Grand Slam champions matapos sungkitin ang panalo laban kay Djokovic sa U.S. Open ngayong buwan at maaaring maging world number one ang Spaniard sa unang pagkakataon mula Hulyo 2011 kung magiging maganda ang pagpapakita nito sa Beijing.



Inamin ni Djokovic na ang kasalukuyang number two ay mayroong mas solidong performance ngayong season, ngunit sinabi niyang kumpiyansa siyang magagawa niya rin ito sa Beijing kung saan hindi pa siya natatalo sa kanyang naunang tatlong paglahok sa torneo, matapos ng kanyang pagwawagi noong 2009, 2010, at noong isang taon sa final laban kay Jo-Wilfried Tsonga.


“As long as there is a chance, I will fight for that top spot,” aniya sa pinagsamang ATP at WTA event, na idaraos sa Olympic Park ng Beijing. “But, again, with no doubt he has the best results this year. This year he’s been the best player in the world. I have been having ups and downs throughout this year. But still it was a quite good season for me, but it’s not over.”


“I want to focus on this week’s China Open because this is where I traditionally play well, and I would like to have another successful week.”


Si Djokovic ang top seed sa Beijing, nangunguna sa number two na si Nadal, ayon sa website ng ATP.


Makakaharap ng kasalukuyang kampeon ang Czech na si Lukas Roso, nasa No. 46 sa ranking sa mundo, sa kanyang pambungad na laban, habang si Nadal ay makakalaban ang isang qualifier na hindi pa pinapangalanan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



China Open: Nadal, binalaan ni Djokovic


Biñan, sentro ng turismo at komersiyo sa katimugan


Sinulat ni Liezel Basa Inigo

Mga larawang kuha ni Zaldy Comanda


ISA sa pinakamaunlad na lugar sa bansa ngayon ang Biñan, Laguna simula nang maging siyudad ito. Matatagpuan dito ang malalaking industrial park at export processing zone, masarap na puto at mga kakanin at maging ang magagandang tanawin o resort, mga pagawaan ng sapatos, sumbrero at iba pa.



Ang siyudad ng Biñan ay binubuo ng 24 na barangay at itinuturing na isa sa first class component city, na tinatayang nasa 34 na kilometro lamang mula sa Manila at napakadaling marating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.


Itinuring din ang Biñan bilang isa sa pinakamayamang munisipalidad bago ito naging siyudad noong 2010, na may annual gross income na P677 milyon noong 2007. Makalipas ang isang taon simula nang maging siyudad ang Binan ay umabot sa P2.7 billion ang total asset nito sa pamumuno na ni Mayor Marlyn “Len” Alonte-Naguiat.


Si Mayor Len ay dalawang terminong naging No .1 councilor, noong 1998 hanggang 2004 at naging vice mayor noong 2004-2007. Naging mayor siya noong 2007 hanggang kasalukuyan. Naging alkalde rin ng Biñan ang kanyang ama na si Arthur Alonte noong 1989 hanggang 1998. Pareho ang kanilang hangarin, lalo pang paunlarin at itaas ang pamumuhay ng kanilang mga mamamayan, katuwang ang kongresista na si Danilo Ramon Fernandez.


Nakatakdang pasinayaan ang moderno at primera klaseng auditorium ng siyudad na may 6,000 seating capacity, na matatagpuan sa likuran ng mala-palasyong City Hall.


Ang dalawang world-class at premiere industrial parks ng Pilipinas ay matatagpuan sa Biñan, ang Laguna International Industrial Park (LIIP) at Laguna Technopark Incorporated (LTI) na malaking tulong sa mga residente dahil sa hatid nitong trabaho. Ilan lamang sa multinational companies sa loob ng industrial park ang Izusu Philippines at Gardenia Philippines.


Bilang halimbawa ng pagiging produktibo ng siyudad, ang Gardenia Philippines ay nakakapag-produce ng 650,000 loaves kada araw. Malaki ang naitutulong sa lungsod ng naturang kompanya tuwing may kalamidad.


Ang Biñan ay sentro rin ng edukasyon sa first congressional district ng Laguna na pinakamarami ang secondary at tertiary schools kasama na rito ang tatlong naglalakihang unibersidad, ang University of Perpetual Help System Laguna, Polytechnic University of the Philippines at De La Salle University.

Paborito ring pasyalan ng mga turista at pamilya ang Splash Island sa San Francisco. Ang Tibagan Falls sa Barangay Malamig ay paborito ring lokasyon ng film shooting katulad ng Hollywood action star ba si Chuck Norris. Ang Jose Rizal Monument Plaza sa tabi ng San Isidro Labrador Parish Church ay dalawa lamang sa landmarks ng siyudad.


Ang Puto Biñan na gawa sa rice flour, binubundburan ng cheese at itlog, ang ipinagmamalaking kakanin sa Binan. Isa si Juliana “Nanay Juling” Samaniego-Santos, na nagsimula pa noong 1945, sa pinakamatandang gumagawa ng Puto Biñan.


Sa Biñan din matatagpuan ang orihinal at mahusay sa paggawa ng sapatos at tsinelas na nagsusuplay sa ilang malls sa bansa. Isa si Ginang Gregorio ng El Moda leather sandals enterprises sa desididong paunlarin pa ang industriya ng sapatos sa siyudad. Dito rin ang pagawaan ng mga sumbreo na opisyal na gamit ng boys scouts at girl scouts, at mga sumbrero na ginagamit ng mga nagsisilbi sa gobyerno. Ayon kay Florencia de Troz, bagamat mura ay primera klaseng materyales ang kanilang gamit sa paggawa nila ng sumbrero.


7 3 4 .. Continue: Balita.net.ph (source)



Biñan, sentro ng turismo at komersiyo sa katimugan


LIGTAS BA ANG PASSWORD MO?

AYON sa isang ulat, mahigit 450,000 password user ng Yahoo ang na-hack (natunton ng ibang user), anim na milyon naman sa LinkedIn. Marami sa atin ang sanay na sa ganitong pangyayari, na nawawala na ang seguridad ng ating mga account sa cyberspace.



Gayunman, marami rin sa atin ang hindi alam na sa katiting na pag-iingat ay mapoprotektahan natin ang ating sarili upang huwag maging biktima ng hacking. Sa dami ng masasamang loob na naglipana sa mundo ng teknolohiya, napapanahon na upang protektahan ang ating mga password sa paraan kung paano natin pinoprotektahan ang Personal Identification Number ng ating mga ATM.


Kadalasang nagiging biktima ng hacking ang mahihinang password – ang madaling hulaan. Kaya narito ang ilang tips mula sa mga eksperto upang maprotektahan ang ating mga password:



  • Gumamit ng iba’t ibang password. Sa bawat account mo, tiyakin na iba-iba ang iyong password. Kung dalawa ang email address mo, kailangang magkaiba ang password ng mga ito.

  • Laging mag-sign out. Huwag lang basta isara ang email. Laging mag-sign out tuwing matatapos ang iyong email session lalo na kung nasa isang Internet Café ka. Kapag hindi ka nag-sign out sa iyong email account, madaling palitan iyon ng kung sinong nais mambiktima sa Internet Café.

  • Huwag sa Internet Café. Hindi ka naman pinagbabawalang gumamit ng computer sa paborito mong Internet Café ngunit dapat mo ring pag-isipan (mga sampung beses) kung magbubukas ka roon ng personal mong email account. Iba’t ibang klaseng parokyano ang pumapasok sa Internet Café. Hindi mo alam kung sinu-sino ang nakakikita ng strokes o pagtiklado mo ng keyboard habang nagbubukas ka ng iyong email account. At kung malimutan mong mag-log out, para na ring binuksan mo ang iyong bahay para pasukin ng mga magnanakaw.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



LIGTAS BA ANG PASSWORD MO?


Caloocan, nagdagdag ng 900 guro

Nasolusyunan na ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang problema sa kakulangan ng mga public school teacher, makaraang kumuha ang siyudad ng 900 guro mula sa Department of Education (DepEd).


Sa panayam kay Caloocan City Administrator Oliver Hernandez, sinabi niyang hindi na poproblemahin sa school year 2014-2015 ang kakapusan sa guro, makaraang iutos ni Mayor Oscar Malapitan ang pag-hire ng mga teacher.



Sa kasalukuyan, may kabuuang 88 pampublikong elementary at high school sa North at South Caloocan.


Inamin ni Hernandez na wala nang mapagtatayuan ng karagdagang pampublikong eskuwelahan sa Caloocan, ngunit iginiit na sinimulan na sa lungsod ang Alternative Delivery Mode ng DepEd.


Layunin ng nasabing programa na makabalik sa pag-aaral ang mga nahinto. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Caloocan, nagdagdag ng 900 guro


Cyber-warriors, kailangan ng UK

LONDON (AFP) – Sinabi kahapon ng British defense secretary na magtatatag ang Britain ng isang military unit laban sa mga cyber attack, at nanawagan sa mga tech-savvy para punuan ang bagong sangay ng militar.


Hangad ng Ministry of Defense na makapag-recruit ng daan-daang computer expert upang depensahan ang pambansang seguridad ng Britain.



Makikipagtrabaho ang mga “cyber reservist” sa regular na puwersa ng bagong Joint Cyber Reserve Unit sa layuning maprotektahan ang mga pangunahing computer network at 24-oras na mabantayan ang mahahalagang datos nito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cyber-warriors, kailangan ng UK


Zambo crisis, nag-iwan ng mas malalim na sugat

Ni Camcer Ordoñez Imam


Maaaring tapos na nga ang krisis sa Zamboanga City at unti-unti nang natutuldukan ang paglalaban ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF), ngunit isang mas malalim na laban ang nakaamba. Ito ay sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim na payapang namumuhay nang magkasama bago ang Martial Law era.



Taong 1974 nang maging sentro ng paglalaban ang Zamboanga City, dahil sa pagiging malapit nito sa Sulu, Basilan at Tawi-Tawi, na mga lalawigang maraming Muslim at nang mga panahong iyon ay matinding naapektuhan sa pakikipaglaban ng MNLF sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos.


Ilang taon makaraang bawiin ang Martial Law, nagsikap ang Zamboanga City na matamo ang kapayapaan. Sa kabila ng pagsisikap ng iba’t ibang grupong relihiyoso at mga non-religious organization para sa diyalogo, ang hinahangad na kapayapaan sa Zamboanga City ay ilang beses na ginambala ng mga armadong paglalaban na pakana ng mga pulitiko mula sa mga kalapit na lalawigan laban sa mga karibal nila sa pulitika.


Zamboanga City ang naging lugar ng negosyo, edukasyon, pagbabangko at aliwan para sa mamamayan ng Sulu, Basilan at Tawi-Tawi. Ngunit sa kasamaang palad, kasabay ng pamumuhunan sa Zamboanga City, dinala rin sa lungsod ang maliliit na labanan.


Hanggang minana na ng Zamboanga City ang magkakaibang kultura, pagkakaiba-iba at malalim na galit.


Iba’t ibang organisasyon ang nagsikap na mapaghilom ang namumuong labanan ng mga Muslim at Kristiyano, kasama na ang Silsillah Dialogue Movement ng paring Italyano na si Fr. Sebastiano D’Ambra, na nagtatag ng komunidad na Harmony Village sa Barangay Sinunuc.


At isang malaking banta ngayon sa mga pinagsikapan ng Harmony Village ang natapos na paglalaban ng militar at MNLF.


Para sa maraming taga-Zamboanga City, higit pa sa pagkakaunawaan ng relihiyon at kultura ay respeto sa isa’t isa ang nagbunsod ng payapang pamumuhay ng mga Muslim at Kristiyano sa lungsod—pero kuwestiyonable ito ngayon dahil sa katatapos na krisis.


Ayon kay Joanne Carlos, na mula sa pamilyang Muslim-Kristiyano ngunit may relihiyong Islam, nang lumikas sila sa simula nang labanan noong Setyembre 9 ay nahirapan ang kanyang pamilya na kumuha ng mauupahan, dahil ipinagtatabuyan sila sa mga komunidad ng Kristiyano kapag nalamang Muslim sila.


Kaugnay nito, inamin ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman sa isang panayam sa telebisyon na tunay na nanganganib ang ugnayang Muslim-Kristiyano dahil sa nangyaring krisis.


“Nabuksan muli ang nailibing na—takot, biases—at nagkaroon ng panibago, dahil iba-iba rin ang naging biktima, nambiktima na galing sa iba’t ibang grupo,” sabi ni Soliman. “’Yun ‘yung mas malaking rehabilitation na nakikita ko’ng kailangang maisagawa.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Zambo crisis, nag-iwan ng mas malalim na sugat


Languido, Cadion, nagsipagwagi sa CdO leg

Ni Angie Oredo


Dinomina nina Juneil Languido at Cresabel Cadion ang kanilang mga kategorya kahapon ng umaga upang pamunuan ang 36 iba pa na nakuwlipika sa kampeonato sa 10th elimination leg ng 37th National MILO Marathon sa Cagayan de Oro (CdO).


Itinala ni Languido ang tiyempong 01:12:39 na pasok sa qualifying time upang makubra ang kumpletong insentibo na libre sa lahat ng gagastusin sa pagtuntong sa national finals sa Disyembre 8.



Gayundin ang nakamit na insentibo nang pumangalawa at pumangatlong sina Ramil Neri (01:14:55) at Jeffrey Sotto (01:15:30) na pawang humagibis sa 21K run.


Nakamit din ni Cadion ang insentibo sa pagposte nito ng pinakamabilis na tiyempong 01:31:22 para sa kababaihan.


Pumangalawa si Vivian Avergonzado ngunit kinapos itong mapasakamay ang insentibo sa itinalang 01:39:35 oras habang pumangatlo naman si Gilda Velarde na naorasan ng 01:52:10.


Ang iba pang nakuwalipika sa finals ay sina Jemarvin Cabilan (01:16:25), Ariel Momo (01:16:49), Oti Jamaloding (01:19:34),

Jefferson Tabacon (01:20:25), Randie Briones (01:21:53), Ranel Oblad (01:22:48), Edgardo Lapasigue (01:23:07), Michael Landuay (01:26:07), Christopher Palad (01:27:03) at James Rey Dimco (01:27:36).


Nakasama rin sina Reland Cortez (01:27:40), Felipe Sajulga (01:27:58), Alfredo Ventolero (01:30:14), Cirilo Balansag (01:30:32), Rodrigo Busalla (01:33:17), Rave Bag-O (01:35:49), Romeo Paragele (01:36:29), Julius Earl Badelles (01:36:57), Nassif Panimbang (01:37:17), Adriano Saliring (01:38:02) at Amado Cambare (01:38:03).


Pumasa rin sina Arsenio Abamouga (01:41:36), Peter Quiaoit (01:41:42), Ruel Molde (01:42:21), Raul Berdos (01:44:20),

Francisco Guinayon (01:48:32), Cris Hababag (01:50:54), Gilda Velarde (01:52:10), Tomas Eroy (01:54:31), Jose Villamor 01:58:48 at Mario Capangpangan (02:01.00).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Languido, Cadion, nagsipagwagi sa CdO leg


Sunday, September 29, 2013

Bayad kay Cabrera, hiniling dagdagan

Umapela sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang abogado ng binawian ng korona na si 1997 Mutya ng Pilipinas Esabela Cabrera para lakihan ang ibabayad na danyos ng organizer ng nasabing beauty pageant, dahil sa mga paghihirap ni Cabrera sa loob ng 16 taon.



Sa limang-pahinang motion for reconsideration, sinabi ni Atty. Nelson Borja, abogado ni Cabrera, na dumanas ang kanyang kliyente ng galit, pagkapahiya at maraming taon na nagtiis ang pamilya dahil sa sinapit na unfair dethronement ng beauty queen.


Inihain ang mosyon sa sala ni Judge Ma. Rita Bascos-Sarabia ng QCRTC Branch 221 para atasan ang pageant organizer na bayaran si Cabrera ng P400,000 bilang nanalong Mutya ng Pilipinas noong 1997.


Iniutos na ng korte na bayaran ng organizer si Cabrera ng P500,000 bilang moral damages, P100,000 exemplary damages at P100,000 attorney’s fees.


Sa mosyon ni Borja, hiniling sa hukuman na dagdagan ang bayadpinsala kay Cabrera ng hanggang P420,000, ang moral damages ay itaas sa P500,000 hanggang P1 milyon, P100,000-P300,000 sa exemplary damages, at P100,000-P150,000 na attorney’s fees.


Binawi ng pageant organizer kay Cabrera ang titulong 1997 Mutya ng Pilipinas sa mismong coronation night noong Mayo 3, 1997 makaraang mapaulat na buntis siya at ikakasal na sa kanyang nobyo. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bayad kay Cabrera, hiniling dagdagan


Syria chemical clean-up, sisimulan na

UNITED NATIONS (AFP) – Papasukin bukas ng mga international chemical weapon troubleshooter ang Syria upang simulan ang pinakamalaki at pinakadelikadong disarmament operation sa kasaysayan.


Laban sa mahigit 1,000 tonelada ng sarin, mustard gas at iba pang ipinagbabawal na horror chemical na nakaimbak sa iba’t ibang panig ng bansa, inilunsad ng United Nations at ng pandaigdigang chemical weapons watchdog ang agarang apela sa iilang eksperto sa nasabing larangan para makiisa sa misyon.



Ang mga aplikante ay dapat na handa sa posibilidad ng kamatayan at sa isang imposibleng deadline.


Tinawag ni UN leader Ban Kimoon ang operasyon na “daunting” matapos na bumoto noong Biyernes ang UN Security Council na lipulin ang lahat ng chemical weapons ni Syrian President Bashar al-Assad.


Mangangailangan ng hanggang 200 inspektor, ang misyon ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) ay may kaugnayan sa imbestigasyon ng UN sa malawakang sarin gas attack sa Damascus noong Agosto at sa iba ang hinihinalang pag-atake.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Syria chemical clean-up, sisimulan na


Triathletes, pasado sa doping test

Pasado sa isinagawang doping test ng WADA accredited drug testing clinic ang lahat ng mga nagsipagwaging triathletes sa ginanap na Asian Triathlon Championships noong Mayo sa Subic Bay Freeport.


Sinabi ni Tom Carrasco, pangulo ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP), na lumabas na negatibo ang lahat ng resulta sa anim na world ranked triathletes sa ipinadalang dokumento ng nagsagawa ng random drug testing na Machido University, isang WADA accredited clinic na nasa Bangkok, Thailand.



“It is part of our commitment to the IOC with regard to their strict policy on doping. We were happy that all athletes were tested negative during the incompetition testing,” sinabi ni Carrasco, siya din Vice-President ng International Triathlon Union (ITU) at Chairman ng Philippine Olympic Committee (POC).


Isinagawa ang in-competition drug testing ni Dr. Alejandro Pineda matapos mismo ng isinagawang event kung saan ay gumastos ang TRAP ng kabuuang P97,577.


Ang mga nagwagi naman sa event ay sina Yuichi Hosoda ng Japan, Zhihang Jiang ng China at Ryosuke Yamamoto ng Japan sa kalalakihan habang sa distaff side ay sina Mariko Adachi ng Japan, Dan Fan ng China at si Yuka Sato ng Japan.


Itinala ni Hosoda ang 2:01:32 finish time kasunod si Jiang ng China na tumapos sa 2:01:38. Itinala ni Yamamoto ang kabuuang 2:01:52 finish time para sa ikatlong puwesto.


Dinomina naman ni Adachi ang women’s division sa 2:14:17 finish time. Si Sato, nanguna sa karera bago kinapos sa takbuhan, ay may 2:16:38 oras. Si Fan na nagkasya sa ikatlong puwesto ay may 2:17:42 tiyempo.


Nagsipagwagi din sa karera sina August Benedicto, George Vilog, Frank Lacson, Sandra Araullo-Gonzalez, at Monica Torres sa kanilang age group categories.


Kabuuang 630 triathletes ang sumali sa siyam na age group sa men’s at women’s divisions. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Triathletes, pasado sa doping test


Masaya ako na naging inspirasyon sa ibang Pilipino—Megan Young


Ni Robert R. Requintina


HINDI matapus-tapos ang pagbubunyi ng mga Pinoy sa makasaysayang pagkakapanalo ni Megan Lynne Young bilang unang Miss World ng bansa, ngunit matatagalan pa bago muling makapiling ng mga Pilipino ang pinakabagong beauty queen ng bansa.


Matapos mapanalunan ang korona — na 62 taong inasam ng Pilipinas — sa Bali, Indonesia noong Sabado ng gabi, bibiyahe si Megan patungong London para sa pagsisimula ng kanyang reign.



“Didiretso kami sa London. May mga activities pa kami na gagawin doon. May mga charity events pa. After that, saka pa lamang ako babalik ng Pilipinas. Hopefully, makakasama ko ang ating mga kababayan sa aking homecoming,” sabi ni Megan, 23, sa eksklusibong panayam sa GMA News TV kahapon ng tanghali.


Umaasa si Megan, tubong Olongapo City, na bibisitahin siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa London. Nais din niyang makaharap ang mga lokal na opisyal ng London habang naroon siya. “Pangarap ko na ma-meet ang mga presidente ng mga bansa na pupuntahan ko.”


Nagpasalamat din si Megan sa mga Pilipino na walang maliw na sumuporta sa kanya.


“Masaya ang aking pakiramdam at naging inspirasyon ako sa ibang Pilipino. It’s an honor that people look up to me now. After all the tragedies and issues that we are having in the Philippines, now there is hope for us to rise above these problems for a better life,” sabi ni Megan.


Sa pre-pageant activities, naglaban-laban ang 127 kandidata, nagpaligsahan sa anim na challenge events na ang mananalo ay agaran nang pasok sa semis. Napanalunan ni Megan ang Top Model Challenge, siya ang unang Pilipina na nanalo sa challenge events ng Miss World. Bagamat dismayado siya na hindi niya napanalunan ang Sports Challenge Competition.


“Nag-effort talaga ako sa sports challenge. That’s why I did push ups, and I hit the gym. Pero kahit hindi ako nakasama doon, nag-enjoy naman talaga ako,” ani Megan.


Sinabi pa ni Megan na wala siyang signature walk, gaya ng mga una nang nanalong Pinay beauty queen.


“It’s really different here in Miss World. With Miss World, it’s not about the walk, it’s not about how you walk. Of course, you have to carry yourself well, but Miss World is all about being a person.”


Ikinuwento rin niya ang mga sandali nang isa-isa nang tinatawag ang mga nanalo. “Noong tinawag ‘yung first runner-up and second runner-up, medyo kinabahan na ako du’n. Hinanda ko na kasi ang sarili ko na kung hindi matatawag ang pangalan ko, okay lang. Malayo na rin kasi ang narating ko. Pero nu’ng tinawag ako, nagulat ako at gusto ko nang umiyak. But I really cried. And I just want to hug my mom who is in the audience. I want to hug her, and kiss her. I also want to hug my brother and sister,” ani Megan.


Agad na bumati kay Megan si Cory Quirino, ang exclusive licensee at national director ng Miss World Philippines at Mister World Philippines.


Agad din na nagpaabot ng pagbati si Vice President Jejomar Binay at ang Malacañang kay Megan. “We congratulate Megan Young for winning Miss World,” sinabi ni Presidential Communications Development Secretary Ramon Carandang sa panayam sa radyo. “This is another Filipino who has gone out there in the world and showed the rest of the world what we can do as Filipinos and another reason for us to be proud,” ani Carandang.


Bumati rin ang mga celebrity sa pamamagitan ng social media, kabilang sina Anne Curtis, Ogie Alcasid, Ritz Azul at ang dating Miss World Second Princess na si Ruffa Gutierrez.


Sa Instagram naman binati ni Lauren Young ang kanyang ate. Aniya, “Tears of joy for my sister, Megan. I’m so happy for all your achievements.”


Sinabi ni Lauren na tinulungan siya ng kanyang ate upang makapag-aral. “Before, now I send myself to school.”


Siyempre, bumati rin kay Megan ang napapabalitang nobyo niya, ang actor-model na si Mikael Daez. “I’m happy for her but most especially I’m happy for the Philippines. You deserve it!” Umaasa si Mikael na mabibisita niya si Megan sa London.


Nang tanungin kung may boyfriend siya, sinabi ni Megan, “Wala akong boyfriend now. Ang boyfriend ko is ang Miss World Organization.”


Ito ang ikalawang titulo na nasungkit ng Pilipinas sa malakihang beauty pageant ngayong taon. Napanalunan kamakailan ni Mutya Johanna Datul ang korona ng 2013 Miss Supranational sa Minsk, Belarus.


May ulat ni Genalyn D. Kabiling


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Masaya ako na naging inspirasyon sa ibang Pilipino—Megan Young


Ilang banyaga, sumali sa Laro’t Saya ng PSC

Nakibahagi ang ilang banyaga na mula sa Korea, China at United Kingdom sa isinasagawang Philippine Sports Commission (PSC) Play and Learn, Laro’t Saya grassroots development at health and fitness family bonding program sa Quezon City Memorial Park at Burnham Green sa Luneta Park noong Sabado at kahapon.



Ikinatuwa ng limang Koreana at dalawang Englishman ang sports program ng ahensiya ng gobyerno na libreng isinasagawa para sa pagtuturo ng iba’t ibang sports sa parke, partikular ang kinahihiligan nilang aerobics kung saan ay mas mabilis silang pagpawisan.


“Actually, iyong isa lang muna ang nag-join tapos nang malaman niya na libre ang pagsasagawa dito ng sports, laluna na iyong aerobics, ay nagsama na siya ng mga kaibigan niya,” sinabi ni PSC Play and Learn Project manager Dr. Lauro Domingo Jr.


“Iyong isa naman na mula UK ay akala niya noong una ay may bayad pero nang nalaman niya na walang babayaran ay sumali na rin siya. Iyon namang Chinese ay tuwang-tuwa na kumuha ng mga picture at videos dahil nalaman din niya na iba’t ibang sports activities ang ginaganap sa park,” sinabi pa ni Domingo.


Umabot naman sa kabuuang 334 ang sumali sa aktibidad noong Sabado kung saan ay kinabilangan ito ng aerobics (266), arnis (18), badminton (31), football (12) at taekwondo (7).


Mayroon namang 277 nagpartisipa kahapon kung sa aerobics ay mayroong 174, arnis (15), badminton (20), chess (13), football (30), karatedo (5) at volleyball (20). – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ilang banyaga, sumali sa Laro’t Saya ng PSC


YES TO GREEN PROGRAM

BILANG bahagi ng pangangalaga sa ating Inang Kalikasan, inilunsad sa lalawigan ng Rizal nitong ika-26 ng Setyembre ang Ynares Eco System (YES) To Green Program. Ito ang flagship program ng pamahalaan panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nini Ynares. Ginanap ang YES To Green Program sa Ynares Center sa Antipolo kasabay ng paggunita sa ikaapat na taon ng pananalasa ng bagyong ‘Ondoy’ na ang Rizal ay isa sa mga nasalanta noong 2009, na may 172 katao ang

namatay at halos nalugmok ang probinsiya.



Ayon kay Rizal Gob. Nini Ynares, ang YES To Green Program ay nahahati sa tatlong bahagi: paglilinis, pagtatanim ng mga puno at recycling. Sa paglilinis ng kapaligiran, maiiwasan ang mga pagbaha, mapangangalagaan ang Laguna de Bay na pinagkukunan ng pagkaing-dagat na ngayon ay mababaw na dahil sa siltation. Maiiwasan din ang sakit na dengue. Kailangang magtanim upang maging malinis ang hangin, mabawasan ang epekto ng climate change, magkaroon ng pagkain at maiwasan ang soil erosion o pagguho ng lupa. Sa recycling, matutulungan ang mga mamamayan sapagkat may pera sa basura.


Naniniwala si Rizal Gob. Nini Ynares na sa pagtutulungan, ang YES To Green Program ay magtatagumapay at idinagdag na ang Diyos ay maaaring magpatawad anuman ang bigat ng ating kasalanan ngunit ang kalikasan ay hindi tayo mapapatawad sapagkat sa bawat paglapastangan natin sa Inang Kalikasan ay may katapat na kaparusahan.


Sa bahagi naman ni Secretary Nereus Acosta, sinabi niya na ang YES To Green Program ay simbolo ng pagkakaisa ng lahat ng sektor ng mamamayan na nagmamalasakit at nagmamahal sa ating kalikasan at kapaligiran. Natatangi at una ang YES Program. Sa bansa ay isang inspirasyon at modelo ng pagkakabuklod-buklod, at ang pagsisindi ng mga kandila ay sagisag ng environmental protection.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YES TO GREEN PROGRAM


Sam Pinto, rapper sa music video ni Shenyee

Ni Remy Umerez


SAM Pinto WALANG tigil ang pagsulpot ng mga bagong talento sa tulong ng YouTube. Ang newest voice sensation sa Pinoy hip hop ay ang rapper na kilala sa taguring Shehyee. Taga-Mandaluyong City si Shenyee na ang tunay na pangalan ay Christopher John Ongkiko.



Mabangung-mabango sa YouTube ang music video ng orihinal niyang kantang Trip Lang na umabot na sa 3.2 million views. Kabahagi sa tagumpay ang pagpayag ni Sam Pinto na makipag-rap kay Shehyee. First time itong ginawa ni Sam, na ginawa rin ni Anne Curtis sa concert ni Martin Nievera.


Ayon kay Shehyee, may new breed of hip hop sa ating bansa, na naging dahilan ng wide viral spread ng kanyang video.


“I can say na nagsisimula ulit ang interes sa rap music sanhi ng fliptop o tagisan ng magagaling na rappers sa stage. At ang lakas makahatak ng views ng rap sa Internet kasi ‘yung mga tao ngayon sa hip hop online na,” sabi niya.


Naka-schedule i-release ng Viva Records sa ilalim ng Flipmusic label ang self-titled album ni Shehyee sa Oktubre 5. Pawang orihinal na komposisyon ang laman ng album niya, tulad ng Maria Clara, Balang Araw, Isang Umaga at Inspirasyon.


Makipag-rap din kaya si Sam Pinto sa mall tours ni Shehyee?


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sam Pinto, rapper sa music video ni Shenyee


Political harassment sa oposisyon, pinabulaanan

Sinabi ni Liberal Party Secretary General at Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na walang kinalaman ang administrasyon sa political harassment na iginigiit ng oposisyon, at hindi totoong ginigipit ito ng gobyerno.


“Political harassment is not and will never be a hallmark of the Aquino Administration and the Liberal Party. Any innuendos from any party claiming that the administration and the party had a hand in a concerted effort to discredit certain personalities, and/or cause the filing of cases against the same for the alleged misuse of their Priority Development Assistance Fund (PDAF) is utterly baseless and false,” pahayag ni Sarmiento noong Sabado.



Ito ang depensa ng kongresista sa alegasyon na sa mga miyembro ng oposisyon lang nakatuon ang report ng Commission on Audit (COA) sa paggastos ng mga mambabatas.


Aniya, hindi dapat sisihin ang LP o ang administrasyon, sapagkat ang report sa pork barrel scam ay sumasaklaw lamang sa mga taong 2007 hanggang 2009, bago pa maluklok sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III.


Iginiit niyang naakit lang ng report ang pansin ng publiko makaraang lumantad si Benhur Luy, na nagbunyag sa P10-bilyon pork barrel scam.


“First, it is open knowledge that the names that surfaced in this multibillion PDAF controversy was a result of the special audit report made by the Commission on Audit in 2007-2009 under the watch of then COA Chair Reynaldo Villar, and was continued only by the incumbent Chair Ma. Gracia Pulido-Tan when she assumed the post in 2011,” sabi ni Sarmiento. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Political harassment sa oposisyon, pinabulaanan


Mahihirap na may cancer, aayudahan

Nababahala si Senator Grace Poe sa ulat na umaabot na sa 103 may cancer ang nasasawi bawat araw sa ating bansa.


Ayon kay Poe, 189 sa bawat 100,000 Pilipino ang may cancer, batay na rin sa ulat ng University of the Philippines Institute of Human Genetics.



Sinabi ni Poe na dapat magkaroon ng hiwalay na Cancer Assistance Fund (CAF) para tulungan sa magastos na pagpapagamot ang mahihirap na may cancer.


Sa kanyang Senate Bill 1283 o “An Act to Assist Indigent Cancer Patients and their Families,” maglalaan ng P1 bilyon bilang paunang pondo. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mahihirap na may cancer, aayudahan


Casimero, ipo-promote ni Pacquiao

Itataya ni IBF light flyweight champion John Riel Casimero ng Pilipinas ang kanyang titulo laban kay Felipe Salguero ng Mexico sa pagtataguyod ng MP Promotions ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Oktubre 26 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.



Ito ang unang pagkakataon na maipakikita ni Casimero ang kanyang kahusayan sa boksing dahil lagi siyang lumalaban sa ibang bansa. Una siyang sumikat nang mahablot ang interim WBO light flyweight title sa pagpapatulog kay dating interim WBA junior flyweight titlist Cesar Canchilla ng Colombia sa sagupaang ginanap noong Disyembre 19, 2009 sa Managua, Nicaragua.


Boluntaryo ang depensa ni Casimero kay Salguero sa koronang natamo niya sa 10th round TKO kay Argentinian Luis Alberto Lazarte na ginanap sa Buenos Aires, Argentina noong Pebrero 10, 2012. Matagumpay niya itong naidepensa kina Mexican Pedro Guevara (SD 12) sa Sinaloa, Mexico at Panamanian Luis Alberto Rios (UD 12) sa Panama City, Panama.


Nakalista si Salguero na No. 6 contender sa IBF at minsan nang dumayo sa Pilipinas ngunit dinaig sa puntos ni WBO light flyweight champion Donnie Nietes noong Hunyo 2, 2012 sa Resorts World Hotel sa Pasay City.


May kartada si Salguero na 18-4-1 (win-loss-draw) na may 13 pagwawagi sa knockouts samantalang si Casimero ay may rekord na 18-2-0 (win-loss-draw) na may 10 panalo sa knockouts. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Casimero, ipo-promote ni Pacquiao


Van, sumalpok sa truck; 2 patay, 7 sugatan

Dalawa ang patay at pito ang malubhang nasugatan nang salpukin ng isang pampasaherong L300 van ang isang nakaparadang ten-wheeler truck sa North Cotabato, kamakalawa ng tanghali.


Batay sa ulat ng North Cotabato Police Provincial Office, nangyari ang insidente dakong 12:05 ng tanghali noong Sabado sa Barangay Manuangan sa Pigcawayan.



Kabilang sa nasawi ang driver na si Noramin Sali, na nagkalasug-lasog ang katawan sa lakas ng pagkakasalpok ng van (MVG-767) sa truck.


Bigo naman ang pulisya na kilalanin ang pasaherong babae na nasawi matapos humiwalay ang ulo nito sa katawan.


Nasa kritikal pang kondisyon ang pitong sugatan, na kinabibilangan ng tatlong bata, at isinugod sa magkakahiwalay na ospital.


Sa imbestigasyon ng pulisya, galing ang mga biktima sa Cotabato City at patungong Midsayap nang mangyari ang insidente sa palikong bahagi ng Bgy. Manuangan.


Inimbestigahan ng pulisya ang driver ng truck na si Riden Pido, na nagsabing nagbababa sila ng bigas sa naturang lugar nang salpukin ng biktima ang likurang bahagi ng truck. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Van, sumalpok sa truck; 2 patay, 7 sugatan


AFP: Clearing ops sa Zambo, maaaring tumagal ng 2 linggo

Maaaring tumagal ng dalawang linggo bago ligtas nang makababalik ang mga residente sa kanilang mga tirahan sa Zamboanga City, kung saan naganap ang 20-araw na bakbakang sa pagitang ng mga sundalo't Moro National Liberation Front fighters na nagresulta sa pagkamatay ng daan-daan. .. Continue: GMANews.com (source)



AFP: Clearing ops sa Zambo, maaaring tumagal ng 2 linggo


Pagkalaglag ng ‘Ekstra’ sa Oscars, no big deal kay Vilma Santos

KASAMA sa short list ang pelikulang Ekstra para maging official representative ng bansa sa Best Foreign Language Category ng Oscars, pero ang Transit ang napili ng komite.


Gov. Vilma Santos Umpisa pa lang ay hindi umaasa si Vilma Santos na mapipili ang kanyang first ever indie movie, kaya hindi isyu para kanya kung nalaglag man ito. Malaki na ang pasasalamat ng gobernadora ng Batangas sa Film Academy of the Philippines na napasama ang pelikula niya sa mga pinagpilian.



Naging top-grosser sa Cinemalaya Independent Festival at kumita rin nang ipalabas ang Ekstra sa commercial theaters.


“Alam n’yo naman na hindi ko naman pinasok ang indie world at gumawa ng isang pelikula na kagaya ng Ekstra para lang ilaban sa anumang festival. Ang sa akin, gusto ko lang subukan at maranasang gumawa ng indie movie.


“To win an award, eh, bonus na lang siguro ‘yun,” sey ni Governor Vi. Samantala, nakipag-meeting na si Ate Vi sa mga bossing ng Star Cinema for a new movie project. May ibinigay nang script kanya na mukhang positive ang dating. Gayunpaman, pinag-aralan pa niya ito nang husto.


May alok ding TV project ang ABS CBN sa kanya. Kaarawan niya sa November 3, and we heard na may plano ang Dos na ituloy na ngayong taon ang TV special na hindi naisakatuparan last year. —Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagkalaglag ng ‘Ekstra’ sa Oscars, no big deal kay Vilma Santos


‘Kompetisyong’ NCRPO vs NBI sa Davantes slay, pinabulaanan

Ni Beth Camia


Mariing pinabulaanan kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang napabalitang nagkakaroon ng kompetensiya ang pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagresolba sa kaso ng pagpatay sa advertising executive na si Kristelle “Kae” Davantes.



Sa halip na patulan ang nasabing isyu, sinabi ni Task Force Kae head Chief Supt. Christopher Laxa na iisa lang ang layunin ng NCRPO at NBI, at ito ay ang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.


Una nang napaulat na nawalan ng kumpiyansa ang ilang opisyal sa NBI kaugnay ng pagdakip kay Janet Lim-Napoles noong Agosto para sa kasong serious illegal detention, kaya sa Philippine National Police (PNP) na lang ipinagkatiwala ang kaso.


Matatandaang sa Malacañang sumuko ang sinasabing pangunahing akusado sa P10-bilyon pork barrel scam, na nakapiit ngayon dahil sa serious illegal detention na isinampa ng pinsan at whistleblower na si Benhur Luy.


Sinasabing naging isyu rin ang paglitaw ng balita na may nagbibigay umano ng leak information sa kampo ni Napoles mula sa NBI kaya hindi ito nahuhuli ng ahensiya noong pinaghahanap pa.


Gayunman, sa kaso ni Davantes, ay nagpasalamat si Laxa sa malaking naitulong ng NBI at hangad nilang marami pang mga kaso ang masosolusyunan sa magkatuwang na pagsisikap ng pulisya at NBI.


Siniguro rin ng NBI at PNP na walang fall guy sa kanilang mga nahuling suspek dahil nagtutugma naman ang testimonya ng bawat isa sa mahahalagang punto, bagay na nagbibigay liwanag umano sa tunay na pangyayari sa kaso.


Kinasuhan na ang mga suspek sa pagpaslang kay Davantes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Kompetisyong’ NCRPO vs NBI sa Davantes slay, pinabulaanan


Napoles, kakasuhan din sa Malampaya fund scam

Patuloy na nadadagdagan ang mga kasong kriminal na kinahaharap ni Janet Lim-Napoles, ang negosyanteng nasa sentro ng P10-bilyon pork barrel fund scam, dahil magsasampa ng asunto ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanya kaugnay ng P900-milyon Malampaya fund scam.



Matapos ang isang linggong pagpapaliban, kinumpirma na ni Justice Secretary Leila de Lima na maghaharap ang NBI ng transmittal complaint laban kay Napoles sa umano’y maanomalyang paggastos sa milyun-milyong piso ng Malampaya funds, sa pamamagitan ng mga pekeng non-government organization ng negosyante.


“We were preoccupied by Senate blue ribbon investigation and also by the bail hearings in the serious illegal detention case against Mrs. Napoles in the Makati RTC. Only one team from NBI is handling all of these fact-finding probes,” paliwanag ni De Lima.


Gayunman, tumanggi ang kalihim na magbigay ng mga detalye, gaya ng kung ano ang partikular na kaso na isasampa at kung sino ang mga opisyal ng gobyerno na kabilang sa kakasuhan.


Ngunit sinabi ni Atty. Levito Baligod, abogado ng whistleblower na si Benhur Luy, na isang dating Cabinet secretary ang sangkot sa scam.


Tumanggi siyang pangalanan ang opisyal, ngunit nabanggit sa mga naunang ulat ang pangalan ni dating Agrarian Reform Sec. Nasser Pangandaman. – Leonard D. Postrado


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles, kakasuhan din sa Malampaya fund scam