PINAYUHAN ni WBO International Welterweight Juan Manuel Marquez si People’s Champ Manny Pacquiao para sa napipintong megafight nito kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2.
Ayon kay Marquez, nakasagupa na niya nang apat na beses si Pacquiao at isang beses si Mayweather, kaya alam na niya ang fighting strategy ng dalawa.
Nakikita rin ni “El Dinamita” na posibleng kapusin si Pretty Boy sa laban lalo’t hindi ito sanay sa mga southpaw o kaliweteng kalaban tulad ng Pambansang Kamao.
Asahan na ang pagiging defensive fighter ng American boxer kaya dapat tutukan ni Pacman ang pagbasag sa depensa ni Floyd na inaasahan ding gagamit ng reach at height advantage.
Dapat ding gamitin ni Pacquiao ang kanyang bilis at liksi upang hindi magkaroon ng espasyo o pagkakataon si Mayweather na magpakawala ng malalakas na suntok.
Pinayuhan din ng Mexican fighter ang 8-division world champion na gamitin ang “right hook” lalo’t ito ang posibleng susi upang makasabay sa tuso at “dirty fighter” na si Mayweather. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment