ISINUSULONG ni Senate Committee on Public Order Chairman Senator Grace Poe ang malalimang imbestigasyon laban kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima.
Ayon ito sa senadora makaraang ihayag na kanya nang irerekomenda sa tanggapan ng Ombudsman ang full-blown investigation sa lahat ng mga usaping kinasasangkutan ng Chief PNP.
Giit ni Poe, nakukulangan pa rin siya sa mga detalyeng inilahad ni Purisma nang humarap ito sa ipinatawag niyang pagdinig.
Nang tanungin naman ang senadora kung kumbinsido itong may iregularidad sa source of income ng Chief PNP, oo lamang ang naging sagot nito. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment