Thursday, October 30, 2014

Age bracket ng SK, itataas

HINILING ni Senate Committee on Local Government Chairman Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na itaas ang age qualification para sa mga botante ng Sangguniang Kabataan (SK).


Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Senador Marcos na nais niyang itaas sa 17 hanggang 24-anyos ang edad ng mga boboto para sa SK mula sa kasalukuyang 15 hanggang 17.


Ani Marcos, layunin nitong mailayo ang mga menor-de-edad mula sa pakikialam ng ilang mga nakatatandang opisyal ng barangay sa mga proyekto at programang nais nilang ipatupad.


Kapag nasa legal age na ani Marcos ang mga opisyal ng SK, maaari na itong maging accountable sa kanilang mga hakbang at may sapat na itong pag-iisip upang maihanda ang mga ito sa mas malalaking responsibilidad. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Age bracket ng SK, itataas


No comments:

Post a Comment