SIMULA sa susunod na linggo ay bababa na ang presyo ng tinapay partikular na ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.
Ito ang magandang balita na inihatid ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Mario A. Dimagiba kung saan ang Pinoy Tasty ay bababa ng P0.50 habang ang Pinoy Pandesal ay bababa naman ng P0.25.
Aniya, mula sa kasalukuyang P37.00 na presyo ng Pinoy Tasty ay magiging P36.50 na lamang habang ang Pinoy Pandesal na nabibili sa P22.50 kada sampung piraso ay magiging P22.25 na lamang.
Ang naturang pagbabawas ng presyo ay ipatutupad sa darating na Nobyembre 7 at ang patuloy umanong pagbaba ng presyo ng harina ang dahilan kung kaya’t bumaba ang presyo ng tinapay.
Inaasahang susunod na ibababa na rin ang presyo ng semento matapos ipatupad ang bawas-presyo sa tinapay.
Nabatid pa kay Dimagiba, bumababa ang presyo ng semento kung kaya’t binibigyan nila ng dalawang linggo ang mga cement retailers na magpatupad ng price adjustment. JAY REYES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment