Friday, October 31, 2014

2 lalaki, ginarote at pinagsasaksak sa Cagayan

PATAY ang dalawang lalaki matapos gilitan at pagsasaksakin ng isang lalaki sa bayan ng Claveria, Cagayan.


Kinilala ang mga biktimang sina Darland Ragudo at Vic Frigido, kapwa ng bayan ng Claveria habang ang suspek ay kinilala namang si Christopher Villanueva, ng San Juan, Ilocos Sur.


Ayon kay SPO3 Rizal Castillo, chief of police ng PNP Claveria, bago mangyari ang insidente ay nasa bahay ng kanyang ka-live-in si Frigido kasama si Ragudo nang tumawag ang suspek sa biktimang si Frigido.


Sinabi umano nitong magkita silang dalawa sa Bgy. Pinas at huwag magsama ng iba pa.


Dahil kinutuban ang biktima kung kaya’t isinama nito si Ragudo.


Dito na pinagsasaksak ng suspek ang mga biktima ng walang kadahilanan.


Nakatanggap ng impormasyon ang PNP Claveria na may nakitang bangkay sa lugar at agad naman nilang tinungo at nakita doon ang bangkay ni Ragudo.


Natagpuan din ang bangkay ni Frigido 30-40 metro ang layo mula naman sa bangkay ni Ragudo.


Pinagsasaksak ang mga biktima saka ginilitan ang leeg na lumabas pa ang mga bituka.


Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP Claveria sa PNP ILocos Sur para sa ikadarakip ng suspek na ngayon ay pinaghahanap pa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 lalaki, ginarote at pinagsasaksak sa Cagayan


No comments:

Post a Comment