Tuesday, October 28, 2014

Pulis na inireklamo ng reyp sa Pasay, sinibak

SINIBAK na sa puwesto ang isang opisyal ng Southern Police District (SPD) na inireklamo ng panggagahasa sa isang Guest Relations Officer (GRO).


Inilagay sa probationary status si Supt. Erwin Emelo, Hepe ng Special Operations Unit ng SPD upang hindi maapektuhan ang imbestigasyon laban dito.


Sa salaysay ng 29-anyos na biktimang si Leila, kasama siya sa 65 dinampot sa isang night club sa Pasay City at dinala sa Taguig City Headquarters nang natipuhan ni Emelo na siya ring namuno sa raid noong Oktubre 23.


Dinala siya sa opisina ni Emelo at pinagpalit ng t-shirt at boxer shorts.


Bagama’t nagpasama umano siya sa isang kapwa GRO dahil sa takot kay Emelo, pinatalikod lang nito ang kanyang kasama saka siya hinalay.


Nagpasya ang biktima na magsampa ng kasong rape laban sa naturang pulis sa National Bureau of Investigation (NBI), dahil hindi siya inasikaso sa CIDG na una niyang hiningan ng tulong.


Itinanggi naman ni Emelo ang mga paratang. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pulis na inireklamo ng reyp sa Pasay, sinibak


No comments:

Post a Comment