Thursday, October 30, 2014

KABABALAGHAN

ISANG uri o form of entertainment ang mga takutan o horror act.


Sa kung anong dahilan, gusto ng maraming tao ang horror movies o horror tricks tulad ng mga mayroon sa mga perya o mga entertainment house or amusement park.


Kahit sa sikat na Disneyland may horror acts or ghost towns at dinudumog talaga ng mga tao.


Ang horror movies, kahit minsan ay mababaw ang istorya ay kumikita pa rin sa takilya. Gusto ng tao na matakot at tinatakot.


Dito sa atin, iniaangat ang level ng takutan tuwing sasapit ang Undas.


Kumikita ang mga horror costume, mas nakatatakot mas mabili sa tindahan.


‘Yung mas nakakadiri at nakaririmarim ay mas kinatutuwaan.


Kaya naman malakas ang komersyo ng mga nakatatakot na paninda ‘pag ganitong panahon.


Lahat ng item sa malls, mula sa mga dekorasyon hanggang sa maliliit na item ay may tanda na ng All Saint’s and All Soul’s Day.


Magandang idea siguro ang isang horror tourism.


Tatalakayin natin ito ng mas malalim pero bilang panimula ang suggestion ko ay ikonsidera na magkaroon ng mga tourist spot all over the country na pwedeng tawagin na parte ng isang “horror tourism.’


Maraming kwento ng kababalaghan ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang panig ng bansa. At alam ko na marami ang gustong makarinig ng mga kwentong ito at marami marahil ang gustong personal na ma-experience.


Halimbawa, isang napakalaking balete tree sa isang bayan sa Mindoro na pinaniniwalang isang kaharian ng mga engkanto. At kapag nakita mo ang nasabing puno ay tatayo talaga ang iyong balahibo.


Napakarami ang sumisilip sa punong ito.


May kwento rin ng mga sinasapian daw ng mga maligno sa isang malayong bayan naman, may mga tao o pamilya na hindi nangingiming magkwento kahit kanino ng paniniwala nila sa maligno.


Parang story-telling experience, sigurado ako na marami ang magiging interesado.


Mayaman sa ganitong kwento ang ating kultura. Marahil ay pwede natin itong gawing paraan para maimbitahan ang mga turista sa panig ng ating bansa na pinagmumulan ng mga kwento ng kababalaghan.


***

Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



KABABALAGHAN


No comments:

Post a Comment