BAUANG, LA UNION – Umabot sa 30 katao ang nasugatan matapos bumangga sa isang puno ang sinasakyan nilang passenger bus sa national highway ng Bgy. Paringao, Bauang sa nasabing lalawigan kaninang umaga, Oktober 30.
Sa imbestigasyon, kasalukuyang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ang mga nasugatan na nakasakay sa MVE Busline, na mayroong license plate na AYV-463 na bumangga sa isang puno dakong 9:15 ng umaga kanina.
Ayon sa awtoridad, sa lakas ng impact, yupi ang harapan ng bus at putol ang puno ng mangga sa harapan ng Parigao Elemtarty School na galing Baguio papuntang Abra.
Ayon sa mga pasahero ng bus, tumatakbo ang sasakyan ng dumiretso sa kaliwang bahagi ng daan hanggang tumama sa puno.
Anila, posibleng inantok ang driver ng mangyari ang insidente. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment