KULONG ang isang lady guard matapos mahulihan ng granada na gagamitin sana sa nakaaway sa Valenzuela City, Martes ng gabi, Oktubre 29.
Kinilala ni Chief Insp. Reuben Garcia, hepe ng Criminal Invesitgation and Detenction Unit (CIDU) Northern Manila ang suspek na si Hizel Mota, 33, ng Signal Village, Taguig City.
Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng operation ang grupo ni Garcia sa MacArthur Highway, Karuhatan ng lungsod nang mapansin ang suspek na tila balisa.
Sinita ng mga pulis ang suspek at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang hand grenade at isang smoke grenade dahilan upang dalhin sa opisina ng CIDG.
Gagamitin umano ng suspek ang mga granada sa kaaway na hindi na binanggit ang pangalang kung saan inaalam na kung saan nakuha ng mga suspek ang granada. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment