Wednesday, October 29, 2014

Presyo ng dugo sa Manila Med, nakaka-high blood

MASYADONG ninenegosyo ng Medical Center Manila sa U.N. ang pagsasalin ng dugo sa kanilang mga pasyente.


Maging ang taga-billing department ng ospital ay nagulat ng malaman na magkaiba ang presyo ng dugo na isinasalin sa mga nasa private room at semi-private room.


Umaabot sa P3,003 ang presyo kada bag ng red blood cell (RBC) para sa mga pasyente na nasa pribadong silid habang nasa P2,310 naman sa semi-private.


Ang masakit nito, madalas na hindi naman kagustuhan ng pasyente na sa pribadong silid mapunta lalo na kung pagpapasalin lamang ng dugo ang gagawin. Madalas kasing sinasabi ng ospital na pribadong silid lamang ang bakante sa kanila kaya’t “no choice” ang pasyente.


Tila wala ring sinusunod na regulasyon ang ospital pagdating sa paniningil ng professional fees ng mga doktor nito.


Napag-alaman na umaabot sa P10,000 ang professional fee ng isa sa mga doktor ng ospital sa loob lamang ng dalawang araw (P5,000 kada araw) kahit na pagpapasalin lamang ng dugo ang ginawa ng pasyente nito.


.. Continue: Remate.ph (source)



Presyo ng dugo sa Manila Med, nakaka-high blood


No comments:

Post a Comment