Thursday, October 30, 2014

SUESELBECK, BINASTOS ANG PILIPINAS

SI Marc Sueselbeck ay isang Aleman na boyfriend ng napaslang sa Olongapo City na si Jeffrey alyas Jennifer Laude. Luhaang lumipad si Marc papunta sa Pinas para makiramay sa mga kamag-anak ng kanyang kasintahan. Pulutong ang mga kabilang sa gay community na dumalo sa burol ni Jennifer na galit na galit sa suspek na si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton.


Nang mabalita na ikinulong na si Joseph Scott sa Camp Aguinaldo ay agad sumugod sa kampo si Marc, ang babaeng kapatid ni Jennifer, si Harry Roque upang makaharap ang suspek. Sapilitang inakyat ni Marc at kapatid ni Jennifer ang gate na kung saan naroon si Scott. Malaki at matangkad si Marc at binalya niya ang isang sundalong Pinoy upang makalapit sa piitan ni Scott.


Ngayon ay patong-patong na kaso ang kanyang kahaharapin katulad ng assault sa isang sundalo ng ating bansa.


Yinurakan ni Marc ang karangalan ng isang sundalo at yinurakan na rin ni Marc ang dignidad ng bansa. Pero may narinig ba tayong condemnation sa hanay ng mga bakla, tomboy at iba pa at ng Gabriela at ni Harry Roque? Wala!


Nagreklamo na sa German Embassy ang Armed Forces sa masamang asal ng dayuhang ito.


Hindi na rin pinayagan ng Bureau of Immigration si Marc na nagtangkang tumakas sa Malaysia.


Malamang na ma-deport si Marc. Ang hiling ko lang sana ay makulong muna si Marc sa Bureau of Immigration nang matagal para pagdusahan niya ang kanyang kasalanan.


Maswerte pa rin ang bastos na Aleman na ito dahil siya ay “hinimatay” sa airport at “naisugod” sa Makati Medical Center.


Si Marc Sueselbeck ay isang banyaga na walang karapatang makialam sa ating mga Pinoy. At lalo siyang walang karapatan na itulak ang isang sundalong Pinoy. DEEP FRIED/RAUL VALINO


.. Continue: Remate.ph (source)



SUESELBECK, BINASTOS ANG PILIPINAS


No comments:

Post a Comment