Thursday, October 30, 2014

P2.606-trilyong budget sa 2015, pumasa na sa Kamara

PINAGTIBAY na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang 2015 General Appropriations Bill (GAB) na P2.606-trilyon ganap na alas-6:20 ng gabi.


Ito’y sa kabila ng pagpalag at pagtatangkang harangin ito ng mga taga-oposisyon matapos ipilit ng mayorya na maisingit ang may 269 pahinang errata.


Sa nominal voting, 197 kongresista ang bumoto ng pabor sa budget o House Bill 4968, 27 naman ang tumutol dito, habang wala naman ang nag-abstain.


Wala namang nabango sa 10 nangungunang ahensya na pinakamalaking alokasyon ng Deparment of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DoH), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation and Communication (DOTC), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Hudikatura.


Paglilinaw naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales, P4.7-bilyon lamang ang errata na tinanggap ng komite ng Kamara sa budget.


Naging tensyonado ang deliberasyon at botohan sa budget na umaabot pa sa pagsigaw o pagtaas ng boses ng mga taga-oposisyon na gustong mangharang sa budget.


Ngunit sa huli, nanaig ang intensyon ng mayorya na pagtibayin na agad ang pambansang pondo para sa susunod na taon. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



P2.606-trilyong budget sa 2015, pumasa na sa Kamara


No comments:

Post a Comment