Wednesday, October 29, 2014

Senglot binoga ng parak, utas

UTAS ang isang lasing na lalaki matapos makipagbarilan sa isang pulis sa Cagayan de Oro City, nitong Martes ng gabi, Oktubre 28.


Nagtamo ng isang tama sa ulo at katawan at namatay noon din ang biktimang si Raul Gomez.


Sumuko naman agad at ngayon’y iniimbestigahan na ng Cogon PNP ang nakabaril na pulis na si PO3 Elric Planas.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:55 nitong Martes ng gabi sa Bgy. Camaman-an.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, dumating ang biktima sa kanyang bahay na lasing na lasing at may hawak na baril.


Sa takot na makadisgrasya, lumabas agad ng bahay ang live-in partner ni Gomez.


Pero nang malaman ni Gomez ang pag-alis ng ka-live-in, sa galit ay nagpaputok ito ng dalawang ulit sa loob ng kanilang bahay at saka lumabas para hanapin ang karelasyon.


Tawag ng tungkulin, tinangkang awatin ni Palanas si Gomez na noon ay nakasibilyan lang pero pinaputukan siya nito kaya ginantihan niya rin ito ng putok.


Nakarekober sa lugar ng basyo ng cal. 45 at cal. 38 pistol. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Senglot binoga ng parak, utas


No comments:

Post a Comment