Thursday, October 30, 2014

Koreano huli sa marijuana

SWAK sa kulungan ang isang 20-anyos na Koreano matapos madakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa isang buy-bust operation sa La Union nitong nakalipas na Lunes, Oktubre 27, 2014.


Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspek na si Sangsu Kim, walang trabaho, ng Bgy. San Francisco, San Fernando City.


Ayon sa PDEA, dakong 4:05 ng hapon nang madakip ang suspek ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 1 sa ilalim ni Director Adrian Alvariño sa pakikipagtulungan ng San Fernando City Police dahil sa pagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa transparent plastic sachet sa isang poseur-buyer sa Bgy. Pagudpud, San Fernando City, La Union.


Nang kapkapan ang suspek na si Kim nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang nakarolyong papel na naglalaman ng marijuana, isang mobile phone at P1,000 marked bill na ginamit sa buy-bust money.


Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o ang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. SANTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Koreano huli sa marijuana


No comments:

Post a Comment