TULUYAN nang ibinasura ng Sandiganbayan ang hirit ni Senador Jinggoy Estrada na pansamantalang makalabas ng kulungan upang makadalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.
Sa dalawang pahinang resolusyon ng Fifth Division, iginiit nitong gaya ng ibang bilanggo ay may mga karapatan si Estrada na itinatadhana ng Saligang Batas subalit hindi maaaring magamit lahat.
Kung papayagan nila si Estrada, magbibigay aniya ito ng maling halimbawa at gagawing katatawanan ang justice system ng bansa.
Ikinatwiran din ng anti-graft court na dagdag-gastos lang sa gobyerno ang hirit ni Estrada dahil bibigyan ito ng seguridad.
Una nang hiniling ng akusado sa multi-bilyong pork barrel scam na limang oras na makalabas sa Nobyembre 1 para mabisita ang puntod ng mga mahal sa buhay sa San Juan Cemetery pati ang libingan ng matalik na kaibigan at aktor na si Rudy Fernandez sa Heritage Park sa Fort Bonifacio. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment