Thursday, October 30, 2014

Sec. Ona, bakasyon muna

MAGBABASYON muna sa trabaho si Health Secretary Enrique Ona.


Ayon kay Ona, ito’y upang bigyang-pansin ang ilang personal matters, kabilang na ang kanyang kalusugan.


Gayunman, hindi naman inihayag ni Ona kung anong klaseng health concern ang kanyang sinasabi.


“It’s due to personal matters, including health matters,” pahayag pa ng Kalihim.


Epektibo ang leave of absence ng Kalihim nitong Oktubre 29 kaya’t pansamantalang si Health Undersectary Janette Garin muna ang magiging officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DoH).


Hindi pa rin naman tinukoy kung kailan magbabalik-trabaho si Ona ngunit posible umanong tumagal ng ilang linggo ang kanyang bakasyon. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Sec. Ona, bakasyon muna


No comments:

Post a Comment