Wednesday, October 29, 2014

Drilon, Jimenez at Singson, kinasuhan ng graft at plunder

KINASUHAN kanina, Oktubre 29, Miyerkules, ng graft at plunder sa tanggapan ng Ombudsman sina Senate President Franklin Drilon, Tourism Secretary Ramon Jimenez, Public Works Secretary Rogelio Singson at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y sobrang taas na halaga ng naipagawang Iloilo Convention Center.


Bukod sa graft at plunder, kinasuhan din ang mga nabanggit ng malversation of public funds, paglabag sa procurement law, dishonesty at grave misconduct.


Ang kaso ay sinampa ng isang Manuel Mejorada, dating provincial administrator ng Iloilo laban sa mga nabanggit.


Ang reklamo ay nag-ugat sa umano’y mataas na halaga ng ginawang Iloilo Convention Center, na pinaglaanan ni Drilon ng P700-milyon at ginawa ng Hilmarc’s Construction Corp., ang contractor na siya ding gumawa ng overpriced Makati parking building.


Sinabi ni Mejorada sa kanyang reklamo na si Drilon ang nasa likod ng overpriced convention center at ikinahon na bidding para dito. Bukod sa naturang mga opisyal, kasama sa kaso ang regional director ng DPWH Iloilo at ang chairman ng bids and awards committee.


Aniya, naglaan si Drilon ng P200-milyon ng kanyang PDAF dito, P200-milyon mula sa Department of Tourism at P100-milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Malakanyang. Ang dagdag na P200-Milyon aniya ay mula din sa DAP.


Bunsod ng naturang proyekto, nagkaroon umano ng overpriced na P488-milyon sa proyekto. Nilinaw ng complainant na walang kulay politika ang kanyang naisampang kaso sa naturang mga opisyal. SANTI CELARIO / JUN MESTICA


.. Continue: Remate.ph (source)



Drilon, Jimenez at Singson, kinasuhan ng graft at plunder


No comments:

Post a Comment