Thursday, October 30, 2014

Kampo ni VP Binay, maglalabas ng 3 political ads

NAKATAKDANG ilabas ng kampo ni Vice-President Jejomar Binay ang tatlong political advertisements.


Nilinaw naman ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President at Navotas Representative Toby Tiangco na hindi ito bahagi ng sinasabing “Oplan Maligno” ni Caloocan Representative Edgar Erice.


Una nang inihayag ni Erice na maglalabas ng political advertisements si Binay bilang pantapal sa bumababang rating nito dahil sa diumano’y maling alegasyon kontra sa kanya.


Hindi naman masabi ni Tiangco kung kailan maie-ere sa mga TV networks ang nabanggit na political ads. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kampo ni VP Binay, maglalabas ng 3 political ads


No comments:

Post a Comment