Thursday, October 30, 2014

Goma takot makarma

ISA sa mga actor na masasabing naging faithful sa wife hanggang ngayon ay si Richard Gomez.


Puring-puri nga si Goma (tawag kay Richard) dahil never siyang na-link sa kahit kanino babae pagkatapos ikasal kay Lucy Torres.


As in, never na siyang tumingin sa ibang babae na bihirang katangian ng isang married man, Kadalasan kasi ay nababalita na may babae itong itinatago o may kinababaiiwan pa kahit may asawa na.


Sabi ay natatakot daw siguro si Goma na mangloko dahil babae ang panganay nila ni Lucy at baka ang anak ang magdusa or magbayad.


“Naisip ko rin ‘yan. Lalo na kapag babae ang anak mo. Syempre gusto mo maging maayos ang buhay hanggang sa paglaki niya. Magkaka-boyfriend din siya, ayaw mo na mapariwara, ayaw mo na kung ano’ng kalokohan ang ginagawa,” say ni Goma.


Tinanong si Goma, kung paano niya nagawang maging matatag sa tawag ng tukso, lalo na sa tulad niya na malapit ang tukso?


“Siguro, na-enjoy ko kasi ‘yung single life kaya nang mag-asawa ako ay patingin-tingin na lang ako. Kung baga sa turu-turo hanggang turo na lang ako.”


Hindi naman itinanggi ni Goma na minsan ay muntik na siyang matukso.


“Self-control lang talaga. Mahirap man pero kailangan. Syempre may pamilya ka na. Mahirap na baka may mangyari doon sa babae, baka mabuntis. Ang laking gulo ‘yun,” aniya.


Besides, maayos naman daw ang relasyon nila ni Lucy. Alhough hindi naman daw perfect ang marriage nila. They manage to work things out at maging masaya together.


ooo


Walang pakialam si Assunta de Rossi sa lovelife ng kapatid na si Alesandra de Rossi. Ni ayaw nga niyang kumpirmahin or itanggi kung sina Alex at Sid Lucero na nga ba talaga.


Nang una kasi namin makausap si Assunta ay si Alex pa raw ang nagbibigay sa kanya ng payo.


Feeling nga raw ni Alex ay mas matandang kapatid niya ito. Ito pa ang nagagalit kapag may nagawang hindi maganda si Assunta.


Saka nasa hustong edad na raw si Alex kaya alam na raw nito kung ano ang tama at mali.Pero kung hihingin daw ang payo niya ng kapatid ay all-out siyang magbibigay ng payo. Pero knowing her younger sister daw ay hindi na kailangan. Basta ang importante raw sa ngayon ay kung saan masaya si Alex ay doon siya at kanyang susuportahan.


Saka hindi naman daw siya close kay Sid para magbigay ng reaction kung tama ba or hindi tama maging boyfriend ni Alex. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Goma takot makarma


No comments:

Post a Comment