LA UNION – Isang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kamot ulo matapos siyang mabiktima ng automated telling machine (ATM) scam sa pagkuha ng bonus niya sa nasabing lalawigan kaninang umaga, Oktobeer 31.
Kinilala ng La Union police ang biktimang si Bernardo Carpio, staff ng DAR La Union.
Sa imbestigasyon, sinabing umabot sa P28,000 ang nakuha sa ATM ng biktima sa Land Bank, La Union branch.
Naideposito umano sa ATM nito ang P25,000 na katumbas ng monetization leave credits pero noong mag-check kung magkano ang laman nito noong Oktubre 27 ay umaabot na lamang ito sa P3,000.
Noong din Oktubre 28 napag-alaman na P739.52 na lamang ang natira.
Ayon sa bangko, nai-withdraw ang pera sa halagang P8,000 sa Metrobank sa lungsod ng La Union, habang ang P20,000 ay nai-withdraw sa BPI sa Angleles City, Pampanga.
Patuloy na nag-iimbestiga ang La Union police sa naturang kaso. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment