NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo na tatawaging Paeng.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,211 kilometro Silangan ng Legazpi City, Albay
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugso na 80 kph.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Wala namang direktang epekto sa panahon ang bagyo ngunit palalakasin nito ang Northeast monsoon o amihan na magdudulot ng maalon hanggang sa napakaalong karangatan sa silangang bahagi ng Visayas.
Samantala, makararanas ang Luzon kasama na ang Metro Manila ng maulap na kalangitan at mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.
Binabalaan ang maliliit na sasakyang-pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment