DAHIL masama ang lagay ng panahon, napilitang mag-emergency landing ang chopper ni Vice-President Jejomar Binay sa Atimonan, Quezon.
Ayon sa kampo ni Binay, minabuti lang ng piloto na bumaba at umiwas sa makapal na ulap at malakas na ulan upang huwag silang malagay sa alanganin.
Wala namang nasaktan sa pag-emergency landing ng sasakyang panghimpapawid.
Si Binay ay nasa Southern Luzon para sa ilang event na kanyang dinaluhan para sa Boy Scout of the Philippines (BSP). ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment