Thursday, October 30, 2014

Kelot dakip na sa pananakit at shabu

LALONG nadiin sa selda ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu matapos dakpin ng mga pulis dahil sa reklamong pananakit sa ka-live-in sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi, Oktubre 29.


Nadagdagan ng kasong illegal possession of dangerous drug ang kasong violation against women and their children ni Erwin Garcia, 27, ng Bocaue, Bulacan.


Sa reklamo ni Djalaiza Soriano, alas-7 ng gabi nang saktan siya ng suspek sa inuupahan nilang bahay sa Guyabano St., Dalandanan ng lungsod dahilan upang ipadampot sa mga pulis.


Sa presinto ay kinapkapan ng mga pulis si Garcia at nakuhanan ng isang sachet sa dalang belt bag kaya isinelda at sinampahan ng mga nasabing kaso. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot dakip na sa pananakit at shabu


No comments:

Post a Comment