NAMATAY sa malagim na trahedya ang apat katao nang sumalpok ang kanilang sinasakyang pickup van sa isang puno sa Camarines Norte kaninang umaga (Oktubre 29).
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Ryza Antonette ng Don Antonio Heights, Quezon City, Matthew de Leon, isang nagngangalang Malubay at Jack na kapwa ng Labo, Camarines Sur.
Dalawa naman sa pasahero ang nakaligtas sa aksidente na kinilalang sina Kevin Balmeo Villamonte at Rosalyn Mendoza Tuason.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 a.m. sa Bgy. Santo Domingo sa Vinzons town, Camarines Norte.
Bago ito, nagmula sa Daet ang mga biktima at nakasakay sa isang Toyota Hilux van na may plakang (UXI-886) at papunta sa Labo, Camarines Norte.
Pagsapit sa lugar, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber ng van at sumalpok sa isang puno na sa gilid ng kalsada.
Hindi naman nabanggit sa ulat kung isa sa mga kaswalidad ang nagmamaneho ng van o isa sa mga nasugatan at nakaligtas.
Ayon sa Camarines Norte provincial police, ang apat na biktima ay pawang kamag-anak ng isang provincial board member sa kanilang lugar pero hindi naman nabanggit kung sino. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment