Thursday, October 30, 2014

QCPD DRUG SECTIONS BINUHAY

MULA sa ilang taon na banned sa drug operation, activated muli ang anti-drugs sections sa mga istasyon ng Quezon City Police District.


Ang masasabi natin, eh, welcome sa muling pagsulpot at paghahasik ng kotong cops na isasakripisyo ang laban sa droga sa ngalan ng pera. At welcome rin sa mga problema na susuungin ni bagong QCPD chief S/Supt. Joel Pagdilao dahil tiyak na sasakit ang ulo nito.


Konting background. Noong panahon ni C/Supt. Richard Albano, banned ang drugs operations dahil pinagkakaperahan ng mga pulis. Gamit ang tinatawag na ‘bangketa operation’, maraming pulis-QC ang nagkamal ng pera mula sa mga naaaresto sa operasyon ng droga.


Ang modus ay ganito. Sila’y magkakasa ng drug operation para makapamingwit o makapanghuli ng druglord, pusher o adik kaya. Sa mismong lugar pa lamang ng drug operation, sa ngalan ng pera, kakausapin ng mga drug cop ang naarestong lord, pusher o adik.


‘Pag ‘di tumuga, dadalhin sa isang lugar – maaaring safehouse o kaya’y mismong police station para ipagpatuloy ang negosasyon. Kapag sa police station ay ayaw pang ibigay ang hinihinging pera, tatakutin na sasampahan ng kaso sa korte na walang bail. Kaya sa takot, ang mga nahuhuli sa drug bust ay napipilitang maglagay na lamang sa halaga ng pera na hinihingi ng mga drug cop. Dahil ayaw makulong, kung saan-saan humihingi ng tulong ang mga nahuhuli para may maibigay sa mga pulis.


Ganyan ang masamang gawi na nangyayari sa anti-drugs sections sa QCPD stations hanggang sa sila’y pinutulan ng pangil ng noo’y QCPD director Gen. Albano.


Sa pag-upo ni Col. Pagdilao, biglang nagkaroon ng utos sa activation ng mga anti-drug section ng labing isang QCPD stations. Ang dahilan, dumami raw ang mga pusher at adik sa QC dahil kulang ang isinasagawang police operations.


Kaya naisip ng mga anti-drugs genius diyan sa Camp Karingal ang muling paggamit sa mga anti-drug cop sa mga istasyon… para mabuhay muli ang kotong cops. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



QCPD DRUG SECTIONS BINUHAY


No comments:

Post a Comment