Wednesday, October 29, 2014

SORRY NI GOV. TALLADO AT ARAL SA PAMBABAE

HUMINGI noong Lunes ng dispensa sa kanyang pamilya, mga kalalawigan at maging sa mga maurirat na mamamayan ng cyberspace, ang “tigasing” gobernador ng Camarines Norte na si Edgardo Tallado.


Ito, parekoy, ay may kaugnayan sa kumakalat niyang “sex video” kasama ang isang maputi at seksing bebot. Na hindi naman niya asawa! Hak, hak, hak!


Sa ganang akin, ang nasabing paghingi ng paumanhin ay katanggap-tanggap…bagama’t hindi nangangahulugan na ligtas na ang gobernador sa ngitngit ng kanyang mga botante!


Sa nabanggit na isyu, tatlong punto, parekoy, ang ating tatalakayin para magsilbing aral sa lahat ng opisyal ng pamahalaan.


Una, ang pagkakaroon ni Gov. Tallado ng “kabit” o kalampungang hindi niya asawa ay hindi naaayon sa aral ng simbahan at sa panlasa ng mga ipokrita! Kaya nga, dapat ay mariin itong itinatago lalo na kung ikaw ay isang opisyal dahil palaging nakatutok sa iyo ang taumbayan!


Pangalawa, ang pagkuha ng mga larawan o video sa mga posisyong nakapagpapalaway kay parekoy ay isang napakalaking katangahan para sa isang gobernador.


Dahil sa kaunting pagkakamali, tiyak na kakalat ito sa kalawakan at pagpapantasyahan ng sansinukob! Hak, hak, hak! At higit sa lahat, ay “saltik” ang pakiusap ni Tallado na tigilan na siya at huwag nang ikalat, pagpantasyahan o pakialaman ang nasabing video dahil hindi naman ito usapin ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.


Gov. Tallado, ilan pa ba ang kerida, kalampungan o kinakalantari mo maliban sa isang ito? Ibig mo bang sabihin, eh, wala kang ginagamit kahit kusing sa pera ng bayan habang isinasagawa mo ang kalibugang ito? Ha?


Ibig mo bang sabihin, sa pagmamantine mo ng kalaway-laway na “sex life”, eh, sariling bulsa talaga ang gamit mo?


Pakyu! Hak, hak, hak! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



SORRY NI GOV. TALLADO AT ARAL SA PAMBABAE


No comments:

Post a Comment