Friday, October 31, 2014

Undas, sinalubong ng rollback sa LPG

MAHIGIT P70 rollback sa presyo ng kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ang sasalubong sa mga konsyumer ngayong Undas.


Batay sa abiso ng Solane, mula alas-12 p.m., Sabado ng madaling-araw, ay matatapyasan ng P6.72 ang kada litro ng LPG o katumbas ng halos P74 kada 11-kilogram (kg) na tangke.


Gayundin ang tapyas-presyo ng Petron na may rollback sa Gasul at Fiesta Gas ng P7 kada litro o katumbas ng P77 kada 11-kg na tangke.


Bababa rin ang presyo kada litro ng Xtend AutoLPG sa P3.91 kada litro. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Undas, sinalubong ng rollback sa LPG


No comments:

Post a Comment