Friday, October 31, 2014

Mga pupuntang sementeryo, ‘wag nang magsama ng bata — MNC

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) at ng Manila South Cemetery ang (MSC) ang publiko partikular na ang mga dadalaw sa kanilang mga puntod sa mga naturang sementeryo na kung maaari ay huwag na silang magsama ng mga bata.


Ang naturang paalala ay ipinahayag sa publiko dahil inaasahaang dadagsain ng may 2.5-milyon katao ang MNC habang tinatayang nasa mahigit 750,000 katao naman ang pupunta sa MSC simula ngayong araw (Nobyembre 1) hanggang bukas (Nobyembre 2).


Kaugnay nito, una nang nanawagan ang officer-in-charge ng MNC na si Daniel “Dandan” Tan sa publiko na sakaling gusto nilang dalawin ang puntod ng kanilang mahal sa buhay ngunit hindi nila tiyak ang lokasyon ng mga ito ay inanyayahan niyang dalawin ang kanilang website na “manilanorthcemetery.tk” at i-type ang puntod locator.


“Kung nais naman ng mga dadalaw na dumiretso agad sa north cemetery at sakaling magkaroon ng problema ay bukas ang aking opisina upang tugunan at mabigyang-solusyon ang inyong pangangailangan,” paliwanag ni Tan.


Muling pinaalalahanan ni Tan at ni MSC officer-in-charge Raffy Mendez ang publiko na huwag nang bitbitin ang mga bagay na ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo tulad ng sound system, alak, kutsilyo, gamit pang sugal, matutulis na bagay at ilang mga gamit na nakasasakit dahil kukumpiskahin lamang ito ng mga itinalagang awtoridad sa harapan ng sementeryo.


Samantala, personal na dinalaw kahapon ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang yumao nitong kaibigan na tinaguriang “Hari ng Aksyon” na si Fernando Poe, Jr. sa MNC kung saan nag-alay ito ng kandila at panalangin. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga pupuntang sementeryo, ‘wag nang magsama ng bata — MNC


No comments:

Post a Comment