UUPA ng mas maraming Optical Mark Reader (OMR) at Direct Recording Electronic (DRE) machines ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2016 elections.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) Bids and Awards Committee (BAC), aabot sa P2.07-billion ang inilaan na pondo para sa pag-upa ng 23,000 OMR units at karagdagang P30.75-million para sa 410 units ng DRE machines.
Aabot umano sa P90,000 ang upa ng kada unit ng OMR habang P75,000 para sa DRE.
Maliban dito, naglaan na rin ang Comelec ng budget para sa pagbili ng ibang election materials gaya ng ballot boxes, at pambayad sa mga technicians na mag-ooperate sa mga makina.
Ipinaabot naman ng Comelec sa mga interesadong bidders na mayroon pa silang oras na magsumite ng kanilang proposals hanggang Disyembre 4. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment