Thursday, October 30, 2014

8-anyos na dinukot sa Sulu pinakawalan na

PINAKAWALAN na ng bandidong grupo ang menor-de-edad na kanilang binihag sa Jolo, Sulu kahapon.


Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Col. Harold Cabunoc na pinakawalan ng kanyang mga abductors si Jewel Mariel Nigue, alas-2:30 kahapon sa Jolo wharf.


Hindi naman dinetalye ng opisyal kung paano pinakawalan ang biktima.


Matatandaang dinukot ng apat na armadong lalaki ang biktima mula sa isang tindahan sa Olutanga, Zamboanga Sibugay noong Julyo 25 na kasalukuyang taon. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



8-anyos na dinukot sa Sulu pinakawalan na


No comments:

Post a Comment