Wednesday, October 29, 2014

21-anyos, nagsilang ng quadruplets

HINDI akalain ng isang 21-anyos na babae na magsisilang siya ng quadruplets sa Jose Fabella Hospital nang humilab ang kanyang tiyan.


Tatlong babae at isang lalaki na pawang malulusog ang isinilang ni Ma. Teresa Madeja, housewife, ng Bgy. Wawa 3, Rosario, Cavite sa pamamagitan ng caesarian operation.


Pinangalanan ang mga sanggol na sina Josefina Matilde, Josefina Bonita at Josefina Santina habang Jose Bonito ang lalaki.


Ang pangalan ay hango umano kay San Jose na ibinigay ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente na siyang tumulong kay Madeja at sa mister nitong si Jason para madala sa hospital.


Ayon kay Teresa, panganay nilang mag-asawa ang quadruplets at hindi nila alam na apat na sanggol ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan dahil wala naman umano siyang abnormalidad na nararamdaman sa katawan noong siya’y nagbubuntis.


Hindi umano niya inaasahan na masi-caesarian siya, gayunman nasa mabuting kalagayan na ang lahat. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



21-anyos, nagsilang ng quadruplets


No comments:

Post a Comment