Wednesday, October 29, 2014

Malakanyang, dumistansya sa isyu ni Gov. Tallado

DUMISTANSYA ang Malakanyang sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado na miyembro ng Liberal Party (LP).


Naging maingay ang pangalan ni Gov. Tallado dahil sa iskandalo na pagkakaroon ng kalaguyo, lumabas na sex video at larawan nila ng kanyang 26-year old na kabit.


Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, bahala na ang Civil Service Commission (CSC) na magdesisyon kung isususpinde nito si Gov. Tallado kung saan ay naniniwala siyang pag-aaralan naman ito ng LP.


Nauna rito, sinabi ni CSC Chairman Francisco Duque III na hindi magandang halimbawa ang ginawa ni Tallado.


Sinabi niya na alinsunod sa Administrative Code of 1987, bilang isang public official ay nagdulot ng kahihiyan hindi lamang sa kanyang opisina kundi sa buong probinsya ng Camarines Norte ang kanyang ginawa.


Dahil dito, maaari siyang masuspinde ng anim na buwan hanggang isang taon dahil sa disgraceful at immoral conduct.


Dagdag niya, kapag hindi magsasampa ng anomang reklamo ang kanyang asawa ay maaaring maghain ang sinomang taxpayer ng administrative complaint sa Ombudsman o sa Office of the President laban kay Tallado.


Maliban rito, pwede ring gamitin kontra sa gobernador ang pahayag sa media ni Ginang Josefina Tallado kasama na ang kumakalat na sex photo at video.


Posible ring panagutin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang gobernador sa ilalim ng Republic Act 6713 o Ethics and Accountability of Public Officials. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Malakanyang, dumistansya sa isyu ni Gov. Tallado


No comments:

Post a Comment