Tuesday, October 28, 2014

Mga dating may-ari ng Hacienda Binay, ipatatawag sa senado

IPATATAWAG din ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee ang mga dating nagmay-ari sa kontrobersyal na Hacienda Binay sa bayan ng Rosario, sa Batangas.


Batay sa isang dokumento mula sa Assessor’s Office ng Rosario, lumabas na apat ang naghahati-hati umano sa hacienda.


Kinilala ang mga ito na sina Hilario Comia na may 2.6 hectares, Renato Comia, Sr. na may 2.6 hectares, Benito Alda – 10.5 hectares at Balbino Perez – 11.8 hectares.


Gayunman, iginiit ni Pimentel na hindi pa rin sila kumbinsido sa naunang salaysay ng negosyanteng si Antonio Tiu na siya ang tunay na may-ari ng hacienda dahil nabigo itong maglatag ng kaniyang mga dokumento noong unang humarap ito sa pagdinig.


Ayon kay Senador Koko Pimentel, nararapat lamang na ipatawag ang mga nabanggit kung talagang pasok sa property ang mga napag-alamang tax declaration na nag-uugnay sa mga ito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mga dating may-ari ng Hacienda Binay, ipatatawag sa senado


No comments:

Post a Comment