Thursday, October 30, 2014

Naaagnas na bangkay ng Tsinay, natagpuan sa bahay

NAAAGNAS na ang bangkay ng Tsinay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay na may sakit na hypertension sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga, Oktubre 29.


Nakilala ang biktimang si Lucy To, nasa hustong gulang, ng Adelfa St., ng lungsod.


Sa ulat, alas-7 ng umaga nang matagpuan ang naaagnas nang bangkay ng biktima ng kanyang kapatid na si Jorge sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.


May inayos umanong negosyo si Jorge kung kaya hindi nakauwi ng ilang araw at laking gulat nang makitang naaagas na ang kapatid na huling nakitang buhay nitong nakaraan Oktubre 27, 2014 alas-3 ng hapon.


Nabatid na may hypertension ang biktima na pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng una kung saan inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Naaagnas na bangkay ng Tsinay, natagpuan sa bahay


No comments:

Post a Comment