Thursday, October 30, 2014

Na-turned off ang mga tao nang magpakatibo masyado!

NAKALULURKEY itong si Charice Pempengco. Say ng aming mga kaibigan na mga bayot, okay naman sana na lumantad na siya bilang isang tomboy at tanggap naman ito ngayon sa ating lipunan. Kaya lang, sumobra na yata ang pagkilos lalaki nito at binurdahan pa ang katawan ng tattoo at nagmukha tuloy galing sa penal colony. Dumarami ang turned-off sa kanya maging sa pananalita ay barakong barako.


Kami rin napupuna namin itong pananamit at kilos ni Charice at totoo ngang OA na siya.


Kagabi lang pinanood namin ang kanyang concerts sa internet sa YouTube. Nakabistida siya at minsan naka-gown sa tuwing lalabas na siya sa stage. Babaeng-babae siya na siyang bagay sa kanya.


Nang lumantad na siya sa pagkabarako, nag-iba na ang tingin ng mga tao sa kanya at tila nawalan ng gana. Kaya hindi kami nagtataka na hindi na rin siya masyadong tinangkilik sa bawat magsyu-show siya sa abroad bitbit ang kanyang dyowa. Sa true, pakonti nang pakonti ang kanyang audience sabi ng source na nagbalita sa amin. At sino nga naman ang gaganahang panoorin siya na lalaking lalaki? Di bale man lang kung isa siyang rakista. Aba’y biritera siya.


In fairness naman sa kanya, magaling pa rin siyang kumanta at ang boses iyon pa rin na hinangaan ng maraming fans lalo na ang mga Amerikano.


Meron naman tayong mga singers rin na tomboy na nakabistida kapag nagpi-perform on stage at okay naman sa kanila. Inuulit namin, magaling pa rin itong kumanta at mag-perform ng bonggang-bongga. Iyan ang katotohanan. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Na-turned off ang mga tao nang magpakatibo masyado!


No comments:

Post a Comment