Wednesday, October 29, 2014

Iniyakan ng matatanda

NAKAGUGULAT ang response ng mga moviegoers sa pelikula ni John Lloyd Cruz na The Trial na kasalukuyang dinudumog pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan kahit na almost one week na itong ipinapalabas.


Hindi kami publicist ng movie at ni minsan nga ay hindi kami naimbitahan makadalo sa presscon at grand presscon ng nasabing movie.


Anyway, last Monday ay nasa Fishermall kami para manood ng sine. Dapat sa Fury kami manonood ng pamilya pero R-16 ang movie kaya sa The Trial na lang kami nagkasya manood dahil na rin sa naririnig namin sa loob ng sinehan na kung saan pinag-uuusapan ang galing at husay na ipinakitang acting ni John Lloyd, atbp kasama sa movie.


True nga pala na maganda ang istorya ng pelikula at nasaksihan ko ang ungol nang pag-iyak ng mga nanonood na karamihan ay mga matatanda at may teenager rin na talagang umiiyak.


Sabi nga ng nakatabi namin sa upuan na isang pamilya rin na nanonood na: “Ang galing ni John Lloyd. Akala mo talagang kulang sa pag-iisip kung umarte.”


Dinig na dinig din namin ang mga reaction ng nakapanood nang palabas na sa sinehan na kung saan puring-puri rin nila ang acting ni Sylvia Sanches sa role na isang tomboy na ina ni John Lloyd Cruz at ang gumanap na tatay ng actor na si Vince na isang bakla sa tunay na buhay sa role na father ni Loydie. Hindi rin nagpahuli sa pag-arte si Richard Gomez na gumaganap na abogado na siyang tumulong sa kinakaharap na rape case ni Loydie.


Medyo kulang pa raw or hilaw sa drama scene si Jessy Mendiola na siyang nag-akusang ni-rape siya ni Loydie. Sabi pa ng grupo ng matatanda na hanggang sa paglabas ng sinehan ay nagpapahid ng kanilang luha na: “Pang-Best Actor naman dito si John Lloyd.”


Samantala, bago nagsimula ang pelikula ng The Trial ay ipinakita muna ang trailer ng Moron 5 at Relaks Its Just Pag-ibig. Kung pagbabasehan ang mga reaction ng mga nakasaksi at nakapanood ng trailer ng dalawang bagong local movies, mas may pag-asang kumita pa kahit paano sa takilya ang huli na pinagbibidahan ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo at ng bunsong anak ni Senator Jinggoy Estrada na si Julian. Dinig na dinig namin ang usapan ng pamilya nasa likuran namin na nagsabi at nag-react sa Moron 5 na: “Ano bang pelikula ‘yan!? Puro kalokohan at katarantaduhan na hindi naman nakatutuwa nakakainis lang!


“Buti pa ‘yun pang-teenager na movie (Relaks Its Just Pag-ibig), kahit paano ay may aral na kapupulutan ang mga kabataan.”


Huwag naman sanang mangyari na first day last day ang maging kapalaran ng pelilkulang Moron 5 na idinirek ni Wen Deramas kapag ipinalabas na ito sa mga sinehan. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO


.. Continue: Remate.ph (source)



Iniyakan ng matatanda


No comments:

Post a Comment