IPINANAWAGAN ng isang Human Rights Group sa pamahalaan na palayain na ang may 53 may sakit na political prisoners kabilang na si Wilma Tiamzon ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Dr. Geneve Rivera – Reyes ng Health Action for Human Rights, ito’y dahil sa lalong paglala ng karamdaman ng mga ito dahil sa mas malalang kondisyon ng mga bilangguan sa bansa.
Sinabi ni Dr. Reyes, patuloy pa ring nakararanas si Ginang Tiamzon ng vertebral artery syndrome na posibleng nag-develop mula sa dating vertebral artery occlusion na nakuha nito noon pang 2006.
Bukod kay Tiamzon, inatake rin sa puso ang kapwa political detainee nito na si Ramn Argente noong 2007 na kinailangan nitong sumailalim sa heart bypass operations. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment