Thursday, October 30, 2014

PUPPET, PAPET O TUTA

SADYANG mahusay na kaalyado si Don Benigno Aquino III (SDA3) sa kanyang mga kapartido’t mga kaibigan.


Gayundin naman siya bilang amo’t tagapangalaga ng kanyang mga puppet, papet o tuta. Give and take talaga sila.


Nakita naman ng taumbayan kung gaano kaganid at kakorap ang mga tauhan ni PNoy.


Sabit na sa lahat ng uri ng korapsyon at pangingikil, wala man lang naparurusahan o maski natatanggal.


Mistulang si Don Benigno pa ang tagapagsalita’t abogado ng mga ganid, eh. Dahil mahusay siyang amo ng kanyang mga puppet, todo naman ang pagsunod, kakambal ang pambobola sa kanya – ISA PA!


Itong huli ay tumahol sina Cong. Emilio Barzaga at Abigail Valte kontra sa lumalawak na panawagan para magbitiw si PNoy sa puwesto.


Ang nanawagan ay ang National Transformation Council (NTC) na itinaguyod ng ecumenical group at ng BAYANKO mula sa mga pribadong indibidwal at grupo. Ang postura ng NTC at Bayanko ay wala munang eleksyon kundi pagbabago ng kabuuang bulok na sistemang umiiral sa bansa.


Itama ang mga patakaran. Patalsikin ang mga bulok na politiko, kasama mga political donorsnila kada eleksyon.


Una ang pagbabago ng Saligang Batas na nilikha ng 49 na katao lamang.


Nakita naman natin ang epekto ng 1987 Constitution ni Cory Aquino na nanay ni Don Benigno. Makitid, mapaghiganti at sarado sa diwa ng pangkaunlaran.


Kasunod niyan ang pagbabago ng sistemang politikal para matigil na ang mapanghimasok at mapagsamantalang mga politiko. Mula sa tipikal na Kongreso at gagawin na PARLIAMENTO.


Ito’y para madaling patalsikin ang sinomang hindi tumutupad sa kanilang trabaho. Ilan lang iyan sa tunguhin ng NTC at Bayanko. Maabot ang dalawang kilusan sa Facebook at Twitter.


Dahil sa tono ni Aquino na “ISA PA…” batay raw sa boses ng kanyang mga boss, agad na kumahol sina Barzaga at Valte.


0Pinuna nila “ang mga kritiko mula sa NTC at Bayanko” na makasarili raw. Ayaw raw kasi ng dalawang grupo na makipag-usap kay PNoy na madali lang naman daw kausapin?


Puppet, papet o talagang tuta sina Barzaga at Valte. Natural dahil busog na busog sila sa pondo na tila buto na paborito ng mga aso!


Ang tanong natin sa dalawang tuta ni Aquino, inimbitahan ba ninyo kahit pakunwari ang NTC at ang Bayanko?


Sarado ang utak ng amo ninyo, alam ninyo iyan. Para sa kanya, ang kaaway ay kaaway niya habambuhay! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



PUPPET, PAPET O TUTA


No comments:

Post a Comment